My Dancing Angel #6

272 14 0
                                    

Sorry for the long no update...

~

Naeun's POV

Gabi na kaya naisipan na naming lahat ang umuwi. Nagpaalam na kami sa isa't-isa bago kami sumakay sa mga sundo naming sasakyan. Matapos ang girl bonding na nangyari sa condo ay isa-isa na kami nagsipaguwian. Hinatid kami ng kanya kanya namin driver. Sa biyahe ay naisipan ko ang mapadaan saglit sa 7 eleven. Parang gusto ko lang makabili ng snacks at makabili ng paborito kong choc-o drink. Pinahinto ko saglit si kuya Kiko, driver ko sa may parking lot. Nang makapasok na ako sa loob ay saka ko sinuot ang hoodie ko. Baka kasi may makakilala sakin sa loob kapag ka hindi ako nagsuot nang hoodie. After nun ay dumiretso na ako sa Snacks area at Drinks. Kaagad ko namang nakuha yung mga bibilhin ko pero nung paliko na ako papuntang counter ay may nakabangga ako.

"Sorry miss." Sabi nung lalaki. Nag-nod lang ako pero hindi ako tumingin sa kanya, mahirap na baka malaman niya pa na ako si Naeun.

Nagmamadali akong lagpasan siya pero hinawakan niya ako sa braso ko. Napalingon tuloy ako sa kanya. "Ano- L?" Gulat na tanong ko.

"Naeun, ikaw nga. Akala ko namamalikmata lang ako kanina na hindi ikaw. Kanina pa kasi kita tinitingan eh." Sagot niya sakin saka niya binitawan ang braso ko. "Sorry, natakot ata kita?" Tanong niya ulit.

"Uhmm.. M-medyo pero okay na naman. Akala ko lang kung sino. Sa susunod nga pala wag kang mananakot nang ganun ha?" Muli sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya at nag-nod.

"Ah nga pala, bakit di ka pumasok kanina?" Tanong niya sakin. Lumapit muna ako sa upuan at tumingin sa labas. Tinabihan naman ako ni L.

"K-kasi, sinabi ko na kina Leiko yung tungkol sa nangyari satin kahapon. Napagusapan namin na inamin ko na nga sayo lahat kahapon." Sagot ko naman sa kanya saka ko binuksan yung inumin ko.

"Ah.. Teka, bakit ininom mo na yan? Nabayaran mo na ba yan?" Tanong sakin ni L.

"Ay oo nga! Ano ba yan..." Shunga ka talaga Naeun! Agad akong tumayo at pumunta sa counter saka nagbayad. Matapos akong makapagbayad ay bumalik ako sa upuan at nilapag sa mesa yung mga binili ko. "Naeun?" Tawag ni L kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko naman. "Ahh kasi..." Parang nagdadalawang-isip pa siya kaya naman ininom ko muna yung choc-o ko.

"May sasabihin ako sayo at sana wag kang magagalit ah." Tumango lang ako sa kanya. Nagpakawala naman siya ng buntong-hininga.

"Naeun, I'm going to court you because I like you and I'm serious." Sabi niya. Sabi niya? SINABI NIYA YUN?

Gulat akong napatitig sa kanya. "A-ano? S-seryoso ka ba?" Halos hindi ako makapaniwala? Sinabi niya mismo sa harapan ko. Hindi man lang niya inalis ang pagkakatitig niya sakin kaya naman napalunok ako at hindi na ako napatingin sa kanya.

"Oo Naeun, matagal na simula pa lang nang makilala ko ang 'Night Angels' sayo talaga agad ako...na-nagkagusto." Sabi niya saka siya biglang tumayo kaya di ko maiwasan na mapatingin sa kanya. Nakita kong namumutla na din siya at halata mong kinakabahan talaga siya pero pinilit niyang ngumiti at tumingin sakin.

"Nga pala bukas, ako ang bahala sayo. Nabalitaan ko kasi na sayo nakiusap si Tina na ikaw ang magplano para sa gagawing activity sa night angels fan club. And, since ako ang napili nilang gawing president ako syempre ang magbibigay ng utos sa mga members." Sabi niya saka siya tumalikod. " Sige, a-alis na ako. Bukas na lang ulit." Sabi niya saka na siya uamlis.

"Ah! Teka, sandali lang L!" Tawag ko sa kanya. Tumigil naman siya. Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya.

"L, kasi ano..  Sa totoo lang ayokong maging miyembro sa fan club na gagawin niyo." Sabi ko kaya napalingon siya sakin ng may pagtataka.

"Ayaw mo? Pero bakit? D-dahil ba sa sinabi ko kanina?" Tanong niya, napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Hi-hindi, hindi yun L. Hi-hindi lang talaga ako sanay sa mga ganung activity lalo na at alam mo naman na isa ako sa member ng 'Night Angel' diba?" Sabi ko sa kanya, napangiti naman siya at saka pinatong ang palad niya sa ulo ko. Pakiramdam ko ay namula ako sa ginawa niya, nakangiti pa siya habang ginagawa niya yun.

"Diba sabi ko naman sayo ako ang bahala sayo? Kung yun ang kinatatakot mo, wag kang mag-alala. Hindi kita papabayaan." Sagot niya sakin. Sandali napatitig ako sa kanya. Bakit kaya parang nakita ko na at narinig ko na ang mga sinabi niya? Something strange na pakiramdam ko ay may dapat akong alalahanin?

"Ah eh, s-salamat." Yun na lang ang nasabi ko. Mukha naman kasing mapilit siya eh kaya sige na. Okay na din sakin.

"Diba may driver ka? Baka kanina ka pa niya inaantay, mabuti pa umuwi ka na kasi lumalalim na ang gabi, delikado." Sabi niya sakin saka niya inalis ang kamay niya sa ulo ko at nilagay sa bulsa ng pants niya. Ngumiti lang ako sa kanya at ganun din siya.

Sabay kaming naglakad palabas ng 7 Eleven at nang makalabas na kami ay sinamahan niya ako sa parking lot kung saan nagaantay si kuya Kiko. Hinantay niya muna akong makasakay bago siya lumayo at mag-wave ng bye. Nag-wave na lang din ako. Nang ini-start na ni Kuya Kiko ang sasakyan ay sandali akong napatingin kay L na tahimik na naglalakad paalis. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang iniisip yung kaninang sinabi niya.

Umamin siya diba? Gusto niya daw ako at liligawan niya ako? Hinawakan ko ang dibdib ko. Bakit kaya ang lakas ng kabog? Ano kaya ibig sabihin nito? 

Mayamaya pa ay nakarating na ako sa bahay. Hindi na ako kumain dahil na din sa pagod kaya dumiretso na ako sa kama ko. Napabuntong-hininga ako at napatulala sa kisame ng kwarto ko.

"Why I have this feeling? A feeling of hapiness and excitement?"

~

Sorry po sa super-duper long no post :( Busy lang po :(

Hope magustuhan niyo ang update ko :( pasensya nakung napakaikli :(

APink 'Secret Garden'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon