My Taekwondo Teacher #10

421 18 0
                                    

2 chapters to go :)

~

Woohyun's POV.

Christmas Vacation.

Nagpaalam ako kina daddy at mommy na pupuntahan ko si master ngayon dahil yayayin ko siyang mangaroling. Magsasama kami ng mga bata at yun ay iti-treat namin. Alam ko na masaya to kaya sana sumama sakin si master chorong. 

Mayamaya nga ay nakarating na din ako sabahay nila. Naka-bike lang ako kaya di napansin ni master ang pagdating ko. Napatingin ako sa labas ng bahay nila. Wala man lang decoration kahit isa? Ano kaya ang ginagawa ngayon ni master Chorong?

Tinabi ko yung bike ko at nag-doorbell, mayamaya pa ay bumukas ang gate at nakita ko si master na parang galing sa pag iyak.

"Master? Bakit ka po umiiyak?"

"H-ha? Ako? H-hindi naman eh." Saka niya pinahid ang palad niya at tumalikod. Naglakad siya papasok sa loob at sumunod naman ako.

"Nga pala, bakit ka pumunta?" Napatingin ako sa sala. Ang daming nagkalat na photo albums. Nakita ako ni master kaya agad niyang niligpit yung albums. "Pasensya ka na, makalat."

"Master? Hindi ba uuwi ang papa mo?"

Napaupo siya sa sofa. "Ewan ko. Wala na akong alam sa kanya. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Napangiti ako saka ko siya tinabihan, nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Master? Wala ka naman pong gagawin diba?"

"At saan na naman tayo lalakwatsa? Ikaw ha? Napapansin ko ang hilig mong maggala."

"Hehe, eh master hindi ka ba kasi nabo-boring dito sa bahay niyo? Tignan niyo nga oh. Kahit isang christmas decoration walang makita dito. Ang lungkot tuloy."

"Sanayan na lang eh, since nung umalis si mommy ganito na ang nangyari." Nakaramdam ako na parang maiiyak na naman si master.

"Alam ko master, miss na miss mo na ang mommy mo."

Napangiti siya ng pilit. "Oo, pero anong magagawa ko? Siguro may dahilan siya, at sana yung dahilan niya.... matanggap ko."

Niyakap ko so master dahil tumulo na naman ang mga luha niya.

"Wag ka mag alala master, ngayong pasko pasasayahin kita. Kaya tara? May gagawin tayo ngayon."

"Ha? Anong-"

"Wag ka ng magtanong tara na!"

"Teka? Okay na ba ang suot ko?"

"Hmmn. Okay na yan. Mag-jacket ka na lang."

"Okay sige. wait mo ko diyan."

Nang naka-jacket na siya ay agad na kaming umalis.

~

Chorong's POV.

Di ko talaga maintindihan kung bakit palaging ganito si Woohyun. Gusto niya akong palaging masaya. Darating siya kapag alam niyang wala akong kasama. Ano bang dahilan?

Nakarating kami sa isang plaza. Merong simbahan malapit dito at merong mga bata din dito na nasa bahay-ampunan. Nagtaka ako dahil tuloy tuloy lang siyang pumasok sa loob. Bumati siya sa mga madre kaya bumati na din ako. Napunta kami sa isang garden at may nakita kaming sampung batang nandun. May mga dala dala silang gitara, tambourine, tambol at kung ano ano pa.

"Teka, ipaliwanag mo nga tong nakikita ko ngayon."

"Master, sigurado akong matutuwa ka dito. Itong mga batang to ay sasamahan nating mangaroling tapos,sabay sabay tayong magdi-dinner and don't worry, treat ko."

"What? Teka? Payag baang simbahan?"

"Master, itong mga batang to, tinulungan to ni mommy dati nung ang mga batang to ay nawalan ng mag aalaga. Simula noong dinala namin sila dito ay kami na ang palaging dumadalaw sa kanila."

Ah kaya naman pala. Ang cute naman ng mga bata.

"Kuya Woohyun, girlfriend niyo po ba siya?" Tanong nung isang bata.

"Hindi, master ko siya."

"Master? Ano po yun?" Tanong nung pinakamaliit. Nakakatuwa naman.

"Ah parang guro,pero sa taekwondo. Isa yung sport."

"Ah." Sabay sabay na sabi nung mga bata.

"So tara? Managroling na tayo?"

At nagsimula na kaming umikot-ikot sa mga kabahayan. May talent pala sa pagkanta si Woohyun? Kaming dalawa yung nakanta samantala yung mga bata ay tumutugtog. Si Woohyun ay nagigitara habang kumakanta kami ng christmas song. Nakakatuwa lang dahil masaya yung pagkanta namin kahit medyo nakakahiya dahil kaming dalawa lang ni Woohyun ang nag-iisip bata dito. At dahil din doon ay malaki tuloy ang kinita namin.

Matapos ang masayang karoling, katulad nga ng sinabi kanina ni Woohyun, treat niya ngayon kaya naman sa isang carinderia kami kumain. Tuwang tuwa yung mga bata dahil napakadaming pagkain at hinati hati pa namin sa mga bata ang kinita sa karoling. Malaki ang kinita namin kaya naman sobrang natuwa din yung mga bata.

Matapos ang masayang kainan namin ay hinatid na namin sa simbahan yung mga bata. Ilang oras din ay hinatid na din ako ni Woohyun sa bahay namin.

"Woohyun, salamat ah. Nag-enjoy ako sobra, kaya salamat talaga."

"Wala yun master, basta wag ka ng malulungkot ah."

"Sige. Asahan mo yan."

"Ah master, ngayong pasko, kailangan masaya ka. At palagi mo sanang ipagdarasal ang mommy mo kung nasan man siya ngayon na sana ay okay lang siya."

"As always, yun lang naman talaga ang hiling ko."

Ngumiti siya sakin. "Sige master, alis na ako. Wag ka ng iiyak ah."

"Haha. opo."

"Sige, Bye."

"Bye, ingat ka."

Saka na ako pumasok sa loob. Pagkadating ko sa sala ay naabutan ko siya sa sala.

"Dad?"

"Can we talk?"

I sighed.. "About what?"

"Lilipat na tayo sa Singapore."

"What? At bakit po dad?"

"She wants to see you...again."

"Don't tell me."

"Your mom."

~

Comment lang at mag vote! Salamat!

APink 'Secret Garden'Where stories live. Discover now