My Taekwondo Teacher #9

415 16 2
                                    

~

Chorong's POV.

Yawn.

It's sunday at kakagising ko lang. Napatingin agad ako sa calendar. One week na lang pala at christmas vacation na naman, ang bilis talaga ng oras.

Bumangon na ako at ginawa na ang mga dapat gawin. Pagbaba ko sa kusina ay naghanap agad ako ng lulutuin. Binuksan ko muna ang radio ko at nakinig ng music. Ganito naman talaga ang ginagawa ko lagi lalo na kapag wala si papa. Nasanay na talaga ako na palaging mag isa.

Habang naghihiwa ako ng karne ay sinasabayan ko lang ang kanta, ng bigla na lamang akong nakarinig ng kalabog mula sa garden namin.

"Hays, baka pinasok na naman ng pusa." Tinigil ko muna yung ginagawa ko at pumunta ako sa garden para i-check yung nabasag na paso pero nagulat ako sa nakita ko.

"WOOHYUN?" Naku naman talaga tong batang to! Pasaway!

"H-hello po master."

Nilapitan ko siya at binatukan ko kahit na nakahiga pa siya dun sa lupa. " Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" Aba't may sa lahi pa ata to na akyat-bahay eh!

"Pasensya ka na master, sarado po kasi ang gate ng bahay niyo eh saka, gusto ko lang po sana kayong sopresahin." Sopresa?

"Tumayo ka diyan. Ikaw talaga! Kung ano ano na lang talaga ang pumapasok diyan sa kokote mo." At saka na ako pumasok sa loob. Sumunod naman siya habang hawak hawak niya ang siko niya. Nung tiningnan ko ulit siya. Nakita ko na meron siyang sugat. Agad ko siyang nilapitan at tiningnan ang sugat.

"Tignan mo yung nangyari? Ayan! Nagkasugat ka tuloy, pasaway kasi eh." Pinaupo ko siya doon sa sofa at saka ako kumuha ng medicine kit at nagsimula ng gamutin ang sugat niya.

"A-aray naman master, dandahan naman po." Inirapan ko siya at mas diniinan ko pa yung ginawa ko. "Aray ko! Master naman eh!"

"Para madala ka! Subukan mo pang ulitin to kundi lalagyan ko na talaga ng bubog ang buong garden namin para incase na ulitin mo? Matuluyan ka na."

Nagkamot siya sa ulo niya. "Pasensya na po master, promise di ko na po uulitin." Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ano ba kasing kailangan mo at bakit ka pumunta dito?"

"Diba po master? Nung nakaraang araw po nag-pinky promise ka sakin nasasama ka sakin ngayong linggo. May pupuntahan po tayo ngayon."

Napatigil ako at tiningnan siya ng pairap. Napakamot na lang siya sa ulo niya.

"Kailangan ba na agad agad n atayong umalis?"

"Bakit master? May ginagawa ka ba?"

"Nagluluto ako ng ulam."

"Talaga po? Wow! Tamang tama! Master di pa po ako nakain! Gusto ko po matikman ang luto niyo. Nagluluto pala kayo?"

"Hoy, Woohyun, yung niluto ko ay pang-isang tao lang kaya wag ka ng umasang kakain ka dito. Dito ka na lang sa sala at manood ka ng T.V"

Nalungkot bigla yung mukha niya. Nangiti ako. "Biro lang. Tara sa kusina tayo."

"Yes! Salamat master!"

Pumunta na kami ng kusina at ang makulit na si Woohyun ay tinulungan ako sa pagluluto. Sabay kaming kumain at nagligpit. Pagkatapos ay pinaghinaty ko siya sa garden at naligo at nagbihis ako. Ng matapos ko ng gawin yun ay dumiretso na kami ng alis. Nakasakay kami ngayon sa motor niya.

"Pwede ka na bang mag-motor sa edad mo?"Di naman siya nakakatakot mag-motor, okay naman at may disiplina siya sa pag gamit.

"Si mama ang kumuha ng lisensya ko eh, ewan ko pero bawal pa ko sa malalayong biyahe eh." Nag-nod na lang ako. Shortcut ang dinaanan namin pero mga kalahating oras din ang layo. Nakarating kami sa isang bundok na merong mahabang hagdan paakyat. Umakyat kami doon at dahil medyo mataas ang bundok na aakyatan namin ay nakaabot kami ng ilang minuto din, mga 30 minutes din siguro.

Nang marating na namin. May isang malaking puno dun at may nilapitan siyang isang kumpol ng bulaklak.

"Teka, may nakalibing ba diyan Woohyun?"

"Wala, dito yung lugar kung saan dinala namin siya bago siya mamatay, ito ang paborito niyang lugar." Saka siya tumayo at tinanaw ang isang city sa malayo." Dito niya din hniling na dalhin ko ang isang taong mahalaga sakin."

Natigilan ako. Sinong siya ba yung tinutukoy niya?

"Sino.."

"My mom."

Mom? "Teka, akala ko ba.."

"She's my step-mom. Nagpakasal ulit ang papa ko 5 years pagkatapos mamatay ng mama ko."

Napatingin ako dun sa kumpol ng bulaklak malapit sa puno. "Bakit mo'ko dinala dito?"

"Palagi akong pumupunta dito tuwing birthday niya, birthday ko, at tuwing pasko. At ngayon ay kaarawan niya."

"Woohyun?" Ang dami kong gustong itanong, nakakalungkot pareho lang pala kaming wala ng ina. ako kaya? May pag asa pa kayang makita ko si mama?

"Dinala kita dito master dahil, mahalaga ka sakin. Maraming salamat sa laht ng tulong at sayang binibigay niyo sakin. Napakadami kong natutunan sayo."

Lumapit siya sakin at saka ako niyakap. Niyakap ko din siya kasabay nun ay tumulo ang mga luha ko.

Woohyun....

~

^__^

APink 'Secret Garden'Where stories live. Discover now