My Taekwondo Teacher #8

441 22 4
                                    

~

Chorong's POV

It's Semestral Break.

Kakatapos lang kasi ng intrams namin kaya ibig sabihin tapos na din ang sportsfest.

Pero ang Taekwondo Club ay bukas pa din para sa mga estudyante ko. At..

Napatitig ako kay Woohyun. Halos 1 week na kasi siyang nagseseryoso sa training niya. Yung tipong gabi na lang ang pahinga niya. Tinuruan ko siya sa loob ng 1 week, at dahil desidido siya ay mabilis siyang natuto. Pero sa kabilang banda bakit parang malungkot ata ako?

Tiningnan ko siya sa labas. Sumisipa at sumusuntok siya sa hangin. Dun ko siya tinuruan noon. Yun yung una niyang dapat matutunan ang mag balance ng bigat at bilis ng mga kamay at paa niya. At nagagawa na niya ngayon.

Napatigil ako nung nakita ko siyang nakangiti sakin. Napansin pala niya na nakatingin ako sa kanya. Parang nag blush pa ata ako sa nakita ko. Ngitian ba daw ako.

"Okay na ba ang mga moves ko master?" Nakangiti siyang lumapit sakin. Pagkalapit niya inambahan ko kaagad siya ng suntok sa tiyan pero umiwas siya. "Master?"

"Pwede na, kahit konti." Ngiting sabi ko saka ako tumalikod sa kanya.

Pero bigla na lang niya akong binuhat pangkasal.

"Hoy! Ibaba mo nga ako!" Nakakahiya naman! Baka makita kami ng iba isipin pa na may relasyon kami ng batang to.

"Master? Salamat ah." Natigilan ako at napatitig sa kanya. Nakatitig din siya sakin habang nakangiti. Paraung umurong ata ang dila ko at wala man lang akong nasabi o nasagot.

"Master? Pwede niyo po ba akong samahan bukas? May pupuntahan lang akong isang lugar na mahalaga sakin."

"B-bakit ako?" 

"Kasi master, mahalaga ka sakin. Ewan ko pero masaya ako sa tuwing kasama kita master." Seryosong sabi niya. Natameme ako. Okay, anong nangyayari sakin. Yung puso ko? Bakit ang bilis ng heart beat? Ano 'to?

"Ibaba mo ako. Sorry hindi kita masasamahan bukas." Binaba niya ako pero nagtataka yung mukha niya. Mukhang kailangan ko muna siyang iwasan kahit isang araw lang. Iba na kasi talaga tong nararamdaman ko eh. Iba na talaga. Di naman ako dating ganito eh. Ano bang nangyayari sakin?

"Master? Bakit? May gagawin ka ba bukas? Kung meron edi sa sunod na araw na lang yung wala kang gagawin." Hinarap ko siya. Gulp. Yung puso ko! Tumigil ka na naman!

"Ayoko. Naiintindihan mo? At kahit meron akong gagawin o wala? hindi kita sasamahan." Then, walkout. Pumunta ako ng locker ko at walang tao dun. Napasandal ang noo ko sa locker at bumuntong hininga.

Nakokonsensya ako sa ginawa ko pero kasi...

Nahihirapan na ako sa kung ano tong nararamdaman ko.

Kakakilala ko lang sa kanya pero napalapit agad ako sa kanya...

Pero sa tingin ko, higit pa dun ang nangyari sakin.

Did i fall in love?

No.

"Mali."

"Anong mali?"

"WOOHYUN?"

~

Woohyun's POV.

Alam ko na magagalit siya sakin pag sinundan ko siya, ang kaso kasi bakit ayaw niyang samahan ako? May naging kasalanan ba ako sa kanya? Bakit bigla siyang iiwas?

Sakto pagpasok ko narinig ko siyang nagsalita. "Mali."

"Anong mali?" Nagulat siya sakin. Agad siyang umayos ng tayo at bumalik na naman yung mukha niya kanina. Yung parang naiilang.

"W-wala, bakit mo ba ako sinundan? Ang kulit mo talaga!"

"May problema ba? Bakit parang lagi kang may tinatago sakin master?" Bigla siyang namula at hindi na tumingin sakin. My goodness, what a cute face.

"Pwede bang wag ka ng magtanong? Dahil kahit ako hindi ko din masabi." Sabi niya habang nakayuko.

"Master?" Lalapit sana ako pero umatras siya at bumalik sa normal yung mukha niya. Yung seryoso.

"Lumabas ka na. Magbibihis ako. Meron pa tayong 2 oras na training. Sige na." Bigla siyang tumalikod at tumingin ulit sakin. "Wooohyun? Bakit di ka pa lumalabas?"

"Ah eh. Sorry master, eto na lalabas na." Agad akong lumabas at napakamot sa ulo ko.

May something talaga siyang tinatago sakin eh.

Kailangan ko yun malaman.

~

Chorong's POV.

Uwian.

"Master!" Tss. Ayan na naman siya.

"Ano?" Nilingon ko siya sa likod ko. "Problema mo?"

"Sabay na po tayong umuwi?" Inirapan ko siya at tumuloy lang sa paglakad. Humabol siya.

"Master? Galit ka po ba sakin?"

"Alam mo Woohyun, di naman ako galit sayo. Sadyang di lang talaga tayo magkatagpo ng mood dahil mas matanda ako sayo okay?"

"Ah ganun po ba? Eh master? May gagawin ka ba sa sunday?"

"Wala."

"YES! So sasamahan niyo na ako at promise niyo na yan sakin!"

Nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nakipag pinky promise sakin.

Bakit nga ba nasabi ko wala?

Tsk. Tsk. Malas. Tumingin ako sa kanya. Siya ngayon ay tuwang tuwa. Napangiti na lang din ako.

"Ang kulit mo talaga." Yun na lang ang nasabi ko.

"Naman! Basta makita lang kitang nakangiti master ay hunding hindi ako magbabago."

Wala siyang kasalanan Chorong...

Hindi kasalanan ni Woohyun kung MINAHAL MO SIYA.

~

Comment?

Vote?

Please?

Thanks :)))


APink 'Secret Garden'Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora