My Dancing Angel #3

252 15 1
                                    

Sorry po sa long NO UPDATE. :< Naging busy lang po. :) Maraming salamat po sa lahat ng nag-antay.

Lovelots!

~

L's POV.

Kakatapos ko lang kumain sa may cafeteria at naisipan ko na pumunta doon sa nasabing fan club nga ng 'Night Angels'. Habang naglalakad ako papunta doon ay may nahagip ang mata ko sa may isang locker dun medyo sa dulo malapit sa hagdan paakyat sa 2nd floor. Tinitigan ko ng mabuti kung sino yung babaeng mukhang nagmamadaling kunin ang mga gamit niya at palinga-linga pa siya sa paligid niya na para bang kinakabahan siya. At sa ginagawa niya ay mukha tuloy siyang magnanakaw, pero teka? Nagnanakaw nga ba siya?

Humakbang ako ng konti at palapit ako sa direksyon niya ng bigla kong makilala kung sino siya. Napatigil ako sa paglalakad at sakto naman na napansin niya ako. Nagulat siya ng makita ako. Di niya ata inaakalang makikita ko siya. Lumunok siya saka yumuko at aakmang aalis pero pinigilan ko siyang umalis dahil  humarang ako sa dadaanan niya. Lumingon siya sakin ng dahan-dahan.

"Bakit parang nagmamadali ka ata Eunhae?" Tanong ko. Lumingon siya sa ibang direksyon at nag-fake laugh.

"Ka-kasi, magpapalit ako ng damit. Naka-uniform kasi ako eh wala naman palang klase ngayon." Sagot niya sakin. Tinitigan ko siya at tiningnan ko din yung damit na hawak niya. Isang dress na longsleeve at kulay babyblue.

"Ah ganun ba. Mukhang ngayon lang kita makikitang naka-dress ah." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sakin. 

"Ah sige L. Alis na ako, b-baka kasi hinahanap na ako ni Tina." Biglang sabi niya sakin.

"Tina? Bakit?" Tanong ko.

"Ah kasi, na-nagpapatulong siya sakin about dun sa plano nilang fan club ng 'Night Angels'" Sagot naman sakin ni Eunhae kaya naman nag-nod lang ako.

"Sige, alis na ako ah." Then, nagmamadali siyang naglakad paalis. Lumingon lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Oh well, nagkibit-balikat na lang ako at pumunta na sa fan club na sinasabi ni Tina.

Mayamaya pa nga ay nakarating din agad ako dun sa lugar. Okay naman siya pero medyo kulang pa siya. Well, siguro dahil sa bago pa lang. Dahil sa wala na naman akong gagawin dito eh lumabas na ako at ewan ko ba pero bigla akong naglakad pabalik sa locker. Wala lang, parang gusto ko lang kausapin si Eunhae. Di kasi kami close nun eh matagal ko na siyang kaklase.

Pero iba ang naabutan ko doon. Mga estudyanteng nagtitilian na para bang merong dumating na artista. Na-curious ako kaya naman lumapit ako sa kanila at nagtanong sa isa sa mga estudyante.

"Ah miss, ano pong meron at nagkukumpulan kayo?" Tanong ko. Excited naman siyang humarap sakin.

"Nandito daw si Naeun, nakita ng isang janitress." Sabi niya sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Di nga? Nandito siya?

"Ah teka lang, Saan daw niya nakita?" Tanong ko ulit. Yung katabi naman niya na bading ang sumagot sakin.

"Sa C.R daw ng mga babae. Nakadress pa nga daw kulay blue sabi nung janitress." Sagot niya sakin. Na-curious tuloy ako.

Umalis na ako dahil bigla na lang naglakad ang mga paa ko at nilibot ko ang mga mata ko sa buong campus. Gusto ko siyang makita. Gusto kong makita si Naeun, pero bakit nga ba nandito siya?

Nilibot ko na buong campus. Wala siya sa cafeteria, sa gym, library, even sa mga tambayan dito sa buong school. Wala talaga siya. Kaya naman naisipan ko na umupo dito sa may likod ng isang laboratory. Umupo ako may isang tuod. Baka naman umalis na si Naeun? Sayang naman, kahit sana makita ko lang siya okay na ako.

APink 'Secret Garden'Where stories live. Discover now