Chapter 7: Lolo Carding, Ano Ang Hinanaing?

3.1K 77 5
                                    

Matapos ang isang araw na makalaglag dila sa sobrang pagod e sa wakas isasarado na naming ang buong shop. Pinapunta ako ni Mama sa harap para isara ang pintuan nang may marinig ako na isang boses na makabasag eardrum sa sobrang pangit ng boses.



"Bikos da gritis lab ob ol. iz hafeshing to miiii. I pawwnd da gritis, lab ob ol inshide of me"




Napakunot noo na lang ako ng noo nang makita ko si Lolo Carding na may hawak na bote ng Red Horse at umiinom nanaman. Si Lolo Carding 'yong baliw na lasinggero na ewan ko ba kung ano ang saltik nito sa utak nito kung bakit minsan e naglalakad nang nakahubo't-hubad sa daanan. Mahilig din kumanta ng love songs 'yan, ewan ko talaga kung bakit puro love songs ang kinakanta niya. May pinaghuhugutan at pinagdadaanan si Lolo, ewan ko kung ano ba talaga 'yon. Sabi kasi sa amin dito, nabaliw daw siya dahil sa pag-ibig. Jusko, may mga lalaki pa palang nababaliw sa pag-ibig. Akala ko sila ang dahilan kung bakit may mga babaeng baliw. Mundo nga naman talaga parang Earth.




"Ay Lolo Carding, tama na 'yan at lashing ka nanaman. Umuwi ka na sa inyo at matulog ka na. Mamaya kung ano nanamang kababalaghan gawin mo d'yan. Huwag ka na pong kumanta, baka pukpukin ka ng tanod d'yan. Good night po. Ingat kayo."




"Woooy! Sa Diyosa ng varanggay na itow! Akoshimuuuushhh.... Hehe. Taraaaa! Shootttt! Kampayyyyyy!




"Haru jusko, nambola pa si Lolo Carding. Opo, matagal na po akong Diyosa Lolo. Shabu pa po. Tulag na po kami."




Ibinagsak ko ang pintuan at ini-lock ko ito. Saktong-sakto, nang humarap ako kay sa likod e naandoon si Mama padaan papunta ng kusina.



"Oh sino 'yun anak? May bisita ba tayo?"



"Ah si Lolo Carding po, as usual, kumakanta nanaman ng mga love songs niya at lashing nanaman siya. Haha."



"Hay naku. Sayang talaga 'yang si Lolo Carding. Sabi sa akin ng Nanay ko dati e 'yong panahon nila, lagi daw pinagkakaguluhan 'yang si Lolo Carding dahil sobrang gwapo nga daw. Sayang talaga siya 'yan."



"Guwapo? Oh anong nangyare Ma? Hindi kaya si Lolo Carding ang Tatay ko? Mygas! Aminin mo Inay! Huwag mo nang itago sa akin ito!"



"Gaga. Hindi! Anong akala mo sa akin? Sa pagkakaalam ko e dahil sa pag-ibig daw kaya nabaliw 'yan."

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon