Chapter 3: Anghel Ka, Halimaw Ako

4.3K 99 10
                                    


Alam niyo 'yung mga taong feeling sikat? 'Yung akala mo naman kung sinong celebrity para makilala siya ng lahat ng tao na nakakasalubong o nakikita niya? Aba, kung pasikat siya, doon siya sa solar system at palitan niya ang araw. Kainis. Ang kasikatan e, kusang dumarating 'yan hindi 'yan pinipilit.

Naglalakad ako palabas ngg exit nang makaramdam ako ng vibration sa aking bulsa, tumutunog ang 3310 na cellphone ko. Hala, tumatawag na si Mama, late na pala ako makakauwi nito! Patay, i-aarmallite nanaman ako ni Mama nito.

"Oh hello Ma? Ahehehehe. Kumusta na po kayo? "

"Anong kumusta na ako?! Umuwi ka na dito! Asaan ka na bang bata ka?! Kanina ka pa bumibili ah! Pati ata buong mall binili mo na! Asaan ka na?! Kanina pa kita hinihintay dito! Wala akong katulong dito"

"Mama daw, hindi na po ako bata, dalaga na po ako. Give me some space naman po."

"Give me some space, give me some space kang nalalaman d'yan! Ang dami mong nalalaman! Oh siya! Asaan ka na nga? Alam mong ikaw lang ang katulong ko dito sa pag-bebenta ng cupcakes natin, e."

"Pauwi na nga po! Andyan na po! Pasakay na po ako ng sasakyan! Hinay lang kayo diyan, kalma lang 'Nay! Stay cooooool and chillll~ Paparating na po ang maganda ninyong anak."

Pagkasabi pa lang na pagkasabi ko ng "maganda ninyong anak" e, pinatay agad ang phone. Kainis. Bakit pati Nanay ko ayaw maniwala na maganda ako? Atsaka, uuwi nanaman ako sa bahay, dalawa lang kasi kami ni Mama at wala na akong tatay. Ewan ko ba kung nasaan siya. Sabi kasi sa akin ni mama eh nag-asawa na daw ng mayamang babae 'yong butihin kong tatay. Pero 'yong mayaman na babae na napangasawa niya eh namatay rin. Lagi ko namang tinatanong kay Mama ang tungkol sa Tatay ko pero ayaw na ayaw niyang ino-open ko ito sa kanya.

May mga ganung tao talaga pala ano? Kayang iwanan ang pamilya alang-alang sa sariling kapakanan. Kung bakit pa kasi gagawa-gawa ng anak kung hindi naman din nila kayang panindigan. Kaya simula noon, hindi na sa pagkakaroon ng anak ang basehan ko sa pag-tukoy kung lalaki ba talaga ang isang lalaki, e. Dahil para sa akin, ang tunay na lalaki e hindi sumusuko at tumatakas sa kanilang mga responsibilidad na mayroon sila.

Gumagawa sila ng mga desisyon na alam nilang hindi nila kayang panagutan. Nakakainis lang, kaming mga naiwan niyang pamilya ang nag su-suffer sa mga ginawa niyang hindi niya pinag-isipan kung ano ang magiging bunga.

Hindi ko namalayan na huminto nap ala ang jeep sa bahay namin. Masyado na ata kasi akong nadala sa mga iniisip ko. Sigh, move on! Pakatatag ka Emerald! Bumaba ka na at tulungan mo na si Mama mo sa pagtitinda ng cupcakes!

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si mama na aligaga na aligaga sa kanyang ginagawa. Nilapitan ko siya para mag-mano.

" Hello Ma, mano po sa inyo. Sorry kung late, traffic po kasi doon, e."

May mini-cupcake shop kasi kami, dalawa lang kami ni Mama ang nag-mamanage doon para less expenses sa pag-sesweldo niya sa mga additional employees. Astig ano? estudyante na ako atsaka katulong pa ni Mama. Ganyan kasi talaga kapag mahirap ang buhay, kailangan tumulong at mapagod para mabuhay.

Kadalasan kasi ng orders na nakukuha namin e puro galing sa Luxoria International School, yes, Luxoria International School, ang school kung saan ako pumapasok. Pangalan pa lang 'di ba pang mayaman na? Gusto niyo bang malaman kung bakit diyan ako nag-aaral kahit mahirap lang kami? Kung normal na tao ka lang, hindi mo kakayanin na mag-aral d'yan. Kailangan kilala ka, kailangan kilala ang pamilya mo o kailangan sobrang yaman mo. Hindi tumatagal ang mga may kaya lang sa buhay dito, dahil sa sobrang bigat ng fees, kadalasan hindi nila kinakaya. Ako? Scholar kasi ako ng school namin since I entered high school. Saktong naka-avail ako ng last scholarship grant mula sa isang kilalang business tycoon na nagbibigay ng scholarship ditto sa amin. Kaya ayon, nagkaroon ako ng scholarship grant dito sa school namin.

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon