Chapter 5: Dramahan Habang Nasa Damuhan

3K 93 1
                                    

"No! You're accusing me without asking! Let me explain! How can we fix everything if you'll cling onto your suspicions again?!"



The boy pleading in front of the girl who's facing him.



'Yang mga ganyang linya, alam na alam ko na kung ano ang relasyon niyang dalawang 'yan, e. One hundred percent sure ako na mag-boyfriend or girlfriend ito!



"No. I don't want to see you anymore. You're betraying me. I don't love you anymore. I'm sorry Lawrence."



Ohmaygas! Betraying is a big word! Hindi ba parang telenovela ang eksena nilang dalawa?! Kailangan may sampalan scene dito! Nasa gilid ako ng puno habang at pinaparinggan ko sila. Basta, masaya manuod ng ganitong bagay.



Tumalikod na ang babae at iniwan niya 'yong lalaking nakaluhod sa kanya. Sumakay ito sa kotse at tuluyan nang umalis. Yaman! Kotse! E, ako bike nga lang gamit ko, sira pa ang kadena.



Hindi ko makita ang mukha ng lalaki. Tumayo siya at umupo doon sa bench sa likod nang kinatatayuan ko. Mygosh! Ang pogi! Handsome man in despair? Hindi bagay.



"Sh*t!What have I done?! I should've never let her go."




Ito na ang tamang panahon para sumingit ako at maging mala fairy God mother. Lumabas ako sa likod ng puno at tumabi sa kanya. In-offer ko sa kanya 'yong ice cream ko, pero siyempre kailangan joke lang 'yon.


"Kuya? Ice Cream?"



He looked at me and he shook his head as a sign of "No thanks" After that, He smiled at me.



"No.Thanks."



"Pwede bang tumabi? Saglit lang naman, aalis din naman ako."



"Sure."



Umupo ako sa tabi niya at kumain nung ice cream. Ang awkward naming dalawa, kasi ako kumakain ng ice cream at kalat-kalat na sa bibig ko 'yong ice cream tapos siya nakatingin sa malayo tila nag-iisip nanaman siya.



"Sigurado ka po ba talaga na ayaw mo tong ice cream? Bahala ka.Sayang din 'to. Minsan lang ako mag-offer ng ice cream."

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Where stories live. Discover now