Chapter 4: Ano Nga Ba Itong Pinasok Ko?

3.9K 97 4
                                    


Hay sa wakas, nakarating na rin ako dito sa bahay ng mga Ramirez   people. Ibinaba ko ang aking bike sa gilid ng kanilang dingding at dahan-dahan kong isinilip ang aking ulo para tignan ang buong bahay!

Ang laking bahaaaaaaay! Shems, ang gate nila mas mahal pa ata kaysa sa buong bahay namin! Nakita ko ang ibat'-ibang uri ng kanilang mga trabahador na nagta-trabaho sa buong mansion nila. At isa pa, iisa ang suot nila! Huwaw, parang teleserye lang ito ah.

"Tao pooooo! Esmeralda's Laundry! May tao po ba diyan?!"

Ang laki-laki ng gate walang tao. Tumingin-tingin ako sa paligid para maghanap ng tao. Wala talaga. Saan naman sila nagsipag-punta. Sinilip ko ang kanang bahagi ng gate at nakita kong bukas naman ito.

Mukhang puwede naman atang pumasok dito eh, total nakabukas naman na yung gate nila it means welcome ang bawat isa dito.

Binuksan ko nang tuluyan ang gate nila at mas lalong bumungad sa akin ang lawak ng kanilang lupain! Halos malaglag ang panga sa sobrang pagka-amaze sa lupa nila. Grabe naman! Puwede naman 'yung simpleng bahay na lang ang tirahan nila 'di ba? Pero sila pa ganito-ganito pa sila ng bahay. Pssh, ganyan siguro talaga ang mga taong walang mapag-lagyan ng mga kayamanan nila, kung saan saan na nila ginagastos.

Kakapasok ko sa loob ng bahay e, nasa loob nap ala ako ng mismong pintuan ng mansion nila. Dahan-dahan kong tinitigan ang simula dulo hanggang sa kabilang dulo ng bahay. Grabe! Iikot ata buong ulo ko dahil sa sobrang haba talaga.

"Ate?"

Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong may nag-sabi ng ate sa akin. Bumungad sa aking likuran ang mukha ng isang batang lalaki.

"Teka 'di ba ikaw 'yung batang nanghingi ng ice cream sa akin kanina sa mall?"

Nginitian lamang niya ako at sinundan ng kanyang nakakatakot na tanong.

"Bakit po kayo naandito ate?"

"Oh marunong ka naman palang mag-tagalog eh hehe. Ui, pasensya na kanina ha? 'Di ko sinasadya na paiyakin ka. Pasensya na talaga."

"Opo ate hehe, ok lang po iyon sa akin. Bakit po kayo naandito?"

"Ah idedeliver ko lang yung damit ninyo, ito oh, nagpa-laba kasi kayo sa amin. Hehe"

"Damit po namin?"

"Opo, sa inyo po. Hehe"

At itinaas ko 'yung mga damit na hawak-hawak ko. Shems, ang cute cute nung bata na ito. Ang sarap niyang kagatin sa pisngi at i-uwi sa bahay at gawing teddy bear.

"Ah, hindi po sa amin yan sa Yaya ko po 'yan ate Hehe, andoon po sa loob si yaya, siya po ang nagpa-laba niyang mga damit na 'yan."

"Bongga! Yaya? Nagpapa-laundry?! Chochal! Siya nga pala baby boy, asaan pala si yaya mo? Para maibigay ko po sa kanya na ito at makaalis na ako, hehe. Alam mo naman ako, ang magandang tulad ko e laging busy."

"Maganda po?"

Nabahala naman ako sa pagtatanong niya ng "Maganda po?" akala ko sa bata e maniniwala na silang maganda ako. Kainis. Ako lang ata talaga nakaka-appreciate ng kagandahan ko.

"Ay joke lang. Haha! Akala ko naman sasakyan mo joke ko, hehe. Asaan na siya baby boy?"

"Nasa loob po siya ng bahay ate, halika po, samahan na po kita sa loob."

Habang tinuturo niya 'yung pintuan ng bahay nila. Kinuha niya ang aking kamay at dahan-dahang hinila ako papunta sa loob ng kanilang bahay.

Habang naglalakad kami papunta sa bahay(dahil ang layo nito mula sa gate na aking pinagba-baan) naisip ko kung anong pangalan nung bata na kanina ko pa kausap. Pansin ko lang kasi, kanina pa kami nagdadaldalan eh hindi ko pa alam ang kanyang pangalan. Hahaha.

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Where stories live. Discover now