Chapter 19: Girlfriend For The Night

2.8K 70 7
                                    


(Froiland's P.O.V.)

Thirty minutes na lang at magsisimula na 'yong Birthday Party ni Christine. Nasaan na ba 'yong babaeng 'yon?! Ipinatawag ko na kay Glenda bakit hanggang ngayon wala pa rin?! Kanina pa ako hindi mapakali dito. Mas mabuti pa ako na lang ang aakyat sa taas para puntahan siya.

"Sir! I would like you to meet Emerald."

"What are you doing?! Bilisan niyo at male-late na kami!"

Lumabas si Glenda mula doon sa kwarto kung saan inayusan si Emerald. Hindi na ako tumitingin doon sa lugar nila at abala akong titigan ang relo ko dahil sa oras. Ang tigil! I couldn't afford to be late!

"Sorry I'm late. Halika na."

Magbabanggit pa sana ako ng isang salita pero napahinto ako nang makita ko siya na nakatayo sa itaas ng hagdanan. Si Emerald ba 'yan? Nakangiti siyang nakaharap sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala na naging ganyan na ang mukha niya. Thhat beauty institute that I hired from Paris didn't fail my expectations. Theymanaged to make this witch like a fairy tale princess. What the f*ck Froiland, stop what you're saying. Siya pa rin 'yan. Nadaan lang sa matinding ayos.

Bumababa siya ng hagdanan at hindi ko siya matignan-tignan. I don't know what's wrong with me. I just can't take a look at her for a second. Nang makalapit na siya sa tabi ko e iniabot niya sa akin ang isang kamay niya. Tinignan ko 'yon at nagiisip kung ano ba ang tumatakbo sa isip nitong Kilay na ito.

"'Yan. Dalhin mo coat ko. Halika na at male-late na tayo."

Ibinato ko sa kanya ang coat ko at sinalo naman niya ito. Hindi ibig sabihin na medyo mukhang tao na siya e magbabago tingin ko sa kanya. Basura pa rin siya at hindi na magbabago 'yon.

(Emerald's P.O.V.)

'Yong pakiramdam kong ang ganda-ganda ko pero papabitbitin lang talaga ako ng coat nitong kumag na ito? Matindi talaga. Parang hindi niya na-appreciate ang kagandahan ko, kung mayroon man. Inuunahan ba naman niya ako maglakad at ang bilis bilis niya. Ako itong nakatakong e hirap na hirap at mukhang magkakakalyo pa ako.

"Froiland! Hoy bakulaw! Dahan-dahan ka sa paglalakad at ang sakit na ng paa ko."

"Bilisan mo. Hindi ka prinsesa para inaalalayan pa."

Binuksan niya ang pintuan ng kotse. Aba, may puso rin naman pala ito, e. Pagkasakay na pagkasakay niya sa loob e biglang sinarado niya agad ito. Bwisit! Hindi pa talaga hinintay na ako ang pumasok! Binuksan ko pa tuloy ang pintuan ng kotse. Umupo na kaming dalawa sa loob at umandar ang kotse.

"Alam mo ikaw nakakainis ka. Wala bang dugo nang pagiging Gentleman d'yan sa dugo mo? Palibhasa dugong tuko."

"I'm not in the mood. Siya nga pala, umayos ka mamaya. Ayaw kong mapapahiya ako sa harap ng maraming tao. Did you receive my message?"

"Nabasa ko na po, ser. Kapag ako hindi mo tinigilan sa pag-susuplado mo e maglalakad akong iika-ika doon talaga. Akala mo ba hindi ko kayang gawin 'yon?! Gagayahin ko si Budoy. I'm sure magandang pambawi na sa'yo 'yon, Harhar. Ang Girlfriend ni Froiland na Vice-President ng school natin ay abnormal at iika-ika?! Ewan ko kung hindi ka pagtawanan doon."

"The f*ck is that?! You shut up! Sabi ko sa'yo umayos ka doon, e! Tandaan mo, if things didn't turn out good, I'll make your life more miserable. Naintindihan mo?"

"Pakialam ko sa'yo. Sige sige. Gagawin ko lahat nang gusto mong gawin. Magiging magandang girlfriend ako kahit nandidiri ako, tapos magiging girl of my dreams ako doon. Siyempre in one condition."

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ