Chapter 29: Gumising Ka, Lumaban Ka

2.3K 54 0
                                    

(Lawrence's P.O.V.)

Idinilat ko ang aking mata at nakita kong nasa looban ako ng ospital at nakatayo. Sa pagkakaalam ko kanina ay nasa warehouse kami, duguan ako kasama ko si Emerald. Bakit dito sa damit na suot-suot ko e wala ni isang patak ng dugo?

"Ospital? Anong ginagawa ko dito?"

Minabuti ko nang pinasok ang ospital para malaman kung bakit ako naandito. Tinatanong ko lahat ng tao pero ni isa sa kanila ayaw ako pansinin. Patuloy akong naglalakad para hanapin si Emerald. Malamang naandito rin si Ma kasama ako.

"Miss? Excuse me. Nasaan po si Emerald Timoteo dito?" Tanong ko sa front desk, pero hindi pa rin ako pinansin. Maghihintay na lang ako dito sa gilid baka may kakilala akong dadaan. Umupo ako sa isang bakanteng upuan sa tabi ng information desk. Pilit kong nginingitian ang mga tao na dumadaan sa harap ko kahit ako hindi nila matapunan ng kahit isang tingin o ngiti.

"Miss! Miss! Where is Mr. Rople's room here?!" Nakita kong aligaga at umiiyak na tumatakbo si Christine papunta sa information desk. Napangiti ako at napatayo sa kinauupuan ko.

"What surname again Ma'am?"

"Oh Darn it! Mr. Rople, Miss! Make it faster please.Where is his room?" Nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang pangalan ko. Room? Anong room? Andito naman ako ah? Ang sigla sigla ko nga Christine. Bakit mo ako hinahanap sa room?Andito ako sa tabi mo nakatayo.

Nang marinig niya ang impormasyon galing sa clerk ay tumakbo na siya papunta sa Emergency Room. Sinundan ko siya at umiiyak siya. Huminto siya sa isang bintana at umiyak pang lalo.

"Christine! Andito ako! Andito ako, o!" Paulit-ulit kong isinisigaw sa kanya pero hindi niya ako marinig-rinig. Nakita ko sa gilid si Froiland at si Emerald. Nagyakapan si Christine at Emerald at pareho silang umiiyak. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at unti-unti kong nakikita ang duguan na damit ni Emerald.

"Ma? Christine? An-ano ba kasi ang nangyayare dito?" Dahil sa sobrang naguguluhan at natatakot ako sa mga nangyayare , ang aking luha ay unti-unting nalalaglag sa aking mga mata nang hindi ko namamalayan.

"Inooperahan pa siya Christine. Hindi ko kaya mawala si B-boy. Hindi niya deserve lahat nang nangyayare na ito." Naglalakad silang pareho papunta sa aking pwesto. Hinarangan ko sila para tanungin kung ano ba ang nangyare sa akin. Wala akong matandaan at hindi ko maisip kung ano ang mga sinasabi ba talaga nila.

"Christine! Tell me now ple-" Nang makita kong tumagos si Christine sa aking katawan at naglakad palayo kasama si Froiland at Emerald. Mas lalong tumindi ang aking pag-iyak at pag-iisip sa kung anong nangyare.

"Anong nangyayare? Ba-bakit ako nagkakaganito?"

Sa sobrang nawawalan na ako ng paraan at lakas para mag-isip. Umupo nalang ako sa isang upuan at yumuko. Pilit kong iniisip ang nangyare kung bakit ako nag kakaganito. Nas loob kami ng warehouse kung saan nakikipaglaban ako sa mga pumatay kila Mama. Dumating sa punto kung saan- nabaril ako.

Napahinto ako at dahan-dahang tumayo. Nabaril ako? Ib-ibig sabihin ba ni-nito ay pa-patay na ako?! Hindi pwede. Hindi pa ako handa. May isang magaan na kamay ang humawak sa balikat ko sa likod. Napalingon ako at napatingin sa direksyon na iyon. Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang mga iyon.

"Ma?! Pa?!" Napangiti ako ng wala sa oras at niyakap silang dalawa ng sobrang higpit at hinalikan sila sa kanilang mga pisngi nang paulit-ulit.

"Mama atsaka Papa, bakit ngayon lang kayo? Ang tagal ko na kayong hinihintay. Ba-bakit kayo naandito?" Napawi ang ngiti sa mga labi ko nang maalala kong matagal na palang patay na ang mga magulang ko. Ngumiti silang dalawa sa akin at hinawakan ang aking mukha.

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Where stories live. Discover now