Chapter 9: Mukhang Mangkukulam, Pero Palaban

2.7K 66 2
                                    


Muntik ka na roon Emerald, a. Buti na lang at ibinuko mo 'yong mukhang monggo na Yaya na nakiki-chismis kanina.

Hingal na hingal ako habang hinahabol ko ang hininga ko. Pumasok ako sa loob ng bahay habang hinahanap kung nasaan na si Kent. Hindi ko na siya makita-makita. Kinuha ko ang bag ko at umakyat ako doon sa loob ng hagdanan.

Nagulat ako nang marinig kong mayroong sumigaw doon sa baba. Sinilip ko kung sino iyon at 'yon 'yong Yaya na mukhang monggo kanina na ipinahamak ko.

Nag-iinit ang mga mata niya sa akin na parang gusto niya akong hilahin pababa doon sa kinatatayuan niya. Mygosh! Mukhang may kontrabida-da nanaman ako dito sa bahay na ito! Paslangin ang mga lumot!

"Hoy! Ano bang problema mo sa akin at ipinahamak mo pa ako doon?! Bumaba ka dito at mag-usap tayo!"

"Sorry! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kanina, e. Pasensya ka na talaga. Babawi na lang ako sa'yo next time."

"Sorry sorry ka d'yan! Napakasama mo!"

"Masama agad? 'Di ba puwedeng nagsasabi muna ng totoo? Sorry na kasi."

Inirapan niya ako ng mata at dumiretso na siya sa paglalakad papunta ng kusina. Wala naman kasi talaga akong kasalanan. Bakit kasi siya nakiki-chismis doon e trip ko kasing panuorin lang 'yang lalaking nag-siswimming.

Whatever. Kinuha ko ang bag ko at hinanap 'yong kwarto kung saan ako tutuloy. Nakita ko ang pangalan na Emerald na nakadikit doon sa isang kwarto malamang dito ako.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang kwarto na ang laki. Grabe! Kasing laki na ata ng bahay namin itong buong silid na ito! Tapos ang bango bango pa, amoy states side. Alam niyo 'yon? 'Yong kapag may package? Ang sarap simutin ang amoy sa loob!

Ibinaba ko ang bag ko at nagtata-talon doon sa higaan na malambot. Grabe! Parang harina lang ng cupcakes naming sa sobrang lambot. Nagta-tumbling na ako kakatalon doon. Wala akong pakialam, ako rin naman ang mag-aayos nito.

Nang tumingin ako sa kanan ko, may nakita akong isang cool na bagay na nakadikit sa pader. Sinilip ko ito at tinignan ang bawat gilid.

"Wow ha, ano ito? Babago lang ako makakita nito, a."

May play, pause and stop button siya. Hindi kaya e isa siyang cellphone? OMG! Cellphone sa pader! Teka, mayroon ba nun? Hindi ko alam pero trip kong pindutin ang play.

Pinindot ko ang play at tumugtog ng malakas ang Turn Up The Love ng Far East Movement.

"Ok Emerald! Simula na nang pag-aayos ng mga gamit!"

Ginanahan ako lalong mag-ayos dahil sa piaka-paborito kong tugtog na pang party-party! Rak na itu!

(Froiland' P.O.V)

I'm on my way up after taking a short swim in the pool. Ito lang naman ang past time ko sa tuwing kailangan ko mag-isip ng mga bagay-bagay.

Pinupunasan ko ang buhok ko gamit ang tuwalya na dala-dala ko. Umakyat ako sa hagdan at doon nakatayo ang isa naming katulong na siyang nag-bigay sa akin ng susi ng kwarto ko.

Nang bubuksan ko na ang pintuan ko, napahinto ako nang makarinig ako ng napakalakas na tunog mula sa kabilang kwarto.

What the f*ck, is that Turn Up The Love? Sinong tanga na nilalang ang mambubulabog dito sa buong bahay na ito? Hindi ba't matagal ko nang sinabi sa lahat ng katulong naming dito na walang magpapatugtog na ganyan kalakas?

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Nahinto ako sa Guest's Room. May bisita kami? Sa pagkakaalam ko e wala namang nasasabi sa akin ang Tatay ko tungkol dito. Baka isang tangang katulong lang na naglilinis.

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Место, где живут истории. Откройте их для себя