Chapter 1: Make-up

5.7K 119 17
                                    

  Laging nauubos ang oras ko kakaisip sa mga bagay-bagay na sobrang imposible namang mangyare. Siguro ganun talaga ang mga tao ano? Mas nagiging masaya sila na mabuhay sa isang panaginip kung saan kaya nilang i-kontrol ang lahat-lahat.




At isa pa, lagi ring nauubos ang oras ko kakaisip kung ano ang pumasok sa isip ni Mama at bakit Esmeralda ang ipinangalan niya sa akin. Oh, 'di ba? Ang baho ng pangalan ko na kung minsan e nahihiya na ako magpakilala sa madla. Lalong-lalo na kapag first day of class, ang ginagamit ko na lang na codename ko e Emerald, short for Esmeralda. Ayaw ko kayang pagtawanan ako ng mga classmates ko. Katawa-tawa na nga yung mukha ko pati ba naman sa pangalan hindi pa bumawi.




Alam n'yo ba 'yung feeling na ang pangit ko na nga e ang pangit pa rin ng pangalan mo? Bale, ano palang natira sa akin? Dandruff? Kuto? Kung hindi ka ba naman talaga pinagsakluban ng langit at lupa ano? Ok sana kung pangit na nga ang tao tapos sa pangalan na lang bumawi ano. Wala, e. Naka-hithit siguro ng katol Nanay ko noong pinarehistro niya 'yung pangalan ko.




Andito ako sa Mall ngayon, bumibili kasi ako ng mga gamit ko para sa katawan ko. Binigyan kasi ako ng Mama ko ng pera at sabi niya dalaga na daw ako, kaya mas maganda kung mag-aayos na ako ng sarili ko.




Ang gusto ba niyang sabihin eh I should buy anything that will help me look better and presentable? Ano ako regalo?! At kelangan bongga lagi? Sus, mas maganda nang maging pangit kung 'yon ka naman talaga. Kaysa naman pilitin mong gumanda kahit hindi ka naman talaga maganda.




"Ok, check on the list ko ay ang lotion, suklay. Deodorant, siyempre ayaw kong mangamoy putok. Tapos itong pulbos para iwas pawis. Then itong lipstick para sa pampaganda ng mga beki at ng mauurat na nga babae."




Napahinto ako habang hinahalungkat ko at chinecheck ang mga pinamili ko. Napatitig ako doon sa lipstick na nasa plastic na hawak-hawak ko at medyo nagulat kung bakit meron akong ganun. Teka, Ha?! Lipstick?! Eh kailan pa ako gumamit ng lipstick sa labi ko?! Bakit ako nagkaroon ng ganun dito sa plastic na ito?!




Hinalungkat ko ang resibo nang pinamili ko at nakita kong mayroon ngang lipstick na nakasulat doon. Sayang ang pera ko! Kung pwede lang sanang gawing lollipop ang lipstick na ito e hindi ko na talaga ibabalik.




Napagdesisyunan kong ibalik ito sana sa cashier 'yong item para ma-refund 'yong pera ko. Siyempre, sayang ang pera kaya ibabalik ko sa cashier itong lipstick na ito. Hindi ko nga 'yan kailangan eh, para sa mahihirap konting laway at kagat-kagat sa labi, solve na para hindi mag-dry ang lips. Hindi na naming kailangan ng mga bagay-bagay na ganyan. Ang gastos masyado.

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora