Chapter 28: Tapang at Malasakit

2.3K 56 4
                                    

 (Lawrence's P.O.V.)

Bakit sa haba ng panahon kung saan medyo nakakalimutan ko ang nakaraan e tsaka pa sila nagsisibalikang muli?! Hindi pa ba sapat na pinatay nila ang mga magulang ko?! Hindi lang sapat na makulong sila ng ilang taon! Death penalty ang dapat na ipinataw sa kanila! Ang mga hayop na katulad nila ang hindi dapat binibigyan ng buhay!

Tumatawag ang number na kanina ay tumawag sa akin kanina. Dali-dali ko itong sinagot habang nanggigitgit ang mga ngipin ko.

"Oh Mr. Lawrence, kumusta na? Ang bagal mo naman ata. Naiinip na kami dito."

"Fuck you! Where are you? Andito na ako sa tapat ng building na sinasabi n'yo. Show up and don't be a coward!"

"Good. Magpapasundo kami ng isa kong kasama para sunduin ka. Huwag kang mag-alala, maguusap lang naman tayo. Kumustahan ganun lang." isang tawa na sobrang nagpakulo ng dugo ko pang lalo.

"Oh, sigurado ka bang walang police? Kung gayun, unahin nap ala naming saktan itong girlfriend mo, ano?" Girlfriend?! Sino?! Wala akong girlfriend! Sino nanaman ang dinamay nitong mga walanghiyang demonyong mga ito! Dalawa lang naman ang babaeng malapit sa akin! Si Christine at si Emerald! Hindi ko pa natatanong kung sino ang nasa kanila at agad na nila ako pinatayan ng tawag. Hindi kaya pinapain lang nila ako at wala naman talaga silang hawak?! Kung sino man sa dalawang iyon ang nakuha, hindi pwede 'yon! Ayaw kong may mangyareng masama sa kanila. Bakit sa kinarami-rami ng taong sasaktan nila ay ang taong mga mahal ko pa?!

Binuksan ko ang cellphone ko at tinawagan muna si Christine. Kailangan sagutin niya ito! Kinakabahan at nangangatog ang tuhod ko at hindi pa niiya sinasagot ang tawag ko! Christine! Please answer it please!

"Lawrence, no need to explain. Next time na lang, ok? Bakit ka tumawag?"

Halos nawalan ako ng lakas nang marinig kong sinagot ni Christine 'yung cellphone ko. Natulala ako at tila makakalas ang buong tuhod ko dahil rito. Ibig sabihin, si Emerald ang nasa kamay nila. Sh*t! This is because of me! This is my fault!Kung hindi ko siya niyaya ng dinner edi sana hindi siya nadamay dito! I need to get her back! If falling into their trap is the solution, I will take a risk!

Halos hindi ko maigalaw ang aking mga paa sa sobrang takot na kung anong pwedeng mangyare sa akin sa loob. Bawat galaw ng aking paa ay galaw papunta sa aking kamatayan. Iniisip ko na lang ang sitwayson ni Emerald ngayon. Kaya ko ito! Nagawa nilang patayin mga magulang ko at hindi imposible na gawin din nila sa akin 'yun. Please, ako na lang, 'wag si Emerald.

Masyadong madilim ang lugar at sinunadan ko ang kaunting ilaw na nakikita ko mula sa daanan. Binuksan ko ang nakauwang na pinto at nakita kong nakaupo sa gitna ng silid a iyon si Emerald. Wala siyang malay at nakatali ang kamay niya. Gulo-gulo ang buhok niya at mukhang mahigpit din ang pagkakatali sa mga paa niya. Tumakbo ako papunta sa kanya at pinipilit siyang gisingin.

"Ma! Ok ka lang?! Itatakas kita rito! Wait, I'll loose the ropes!"

(Emerald's P.O.V.)

Ang naalala ko nalang na may mga lalaking humila sa akin papunta sa kotse na hindi ko makita ang mukha sa kadahilanang nakatakip ang mga ito. Medyo nahihimasmasan na ako noog pagkakataong 'yun. Unti-unti kong nakikita ang isang maduming lugar na naliliwanagan lamang ng isang kulay yellowish na bumbilya. Hindi ko masyadong mamukhaan ang lugar dahil medyo Malabo pa ang mga mata ko. Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko at si Lawrence iyon na pilit tinatanggal ang mga tali sa paa ko.

"Lawrence," mahinang sabi ko habang mabilis pa rin siyang nagtatanggal ng mga tali sa paa ko. Bakit ako nakatali?! Ano ang ginagawa namin dito?! Bakit naandito si Lawrence?! Ano ba ang nangyayare?!

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon