sayang c15

12 0 0
                                    

final chapter... 

**********************************

Nagkita-kita ulit silang magkakabarkada. Christmas party nila.

Masaya na naman ang lahat. Busy sa paglangoy. Busy sa pagkain. Busy sa videoke.

Nakaupo lang sya sa isang bakanteng cottage at nakatingin sa lumalangoy na si Anne. Kasama nito ang iba pa nyang barkada na nasa pool.

Nakita nya na papalapit si Martin sa kanya.

Tahimik lang nilang pinapanuod ang mga taong nagsasabuyan ng tubig sa pool.

“Anong iniisip mo? Kanina ka pa mag-isa dito?” Pansin nito sa kanya.

“Wala naman.” Ang pagmumove on.

“Narinig ko ang usapan ninyo ni Trey nung overnight sa bahay.” Hindi ito tumitingin sa kanya. Patuloy lang ito sa panunuod sa mga tao sa harap nila.

Pinili nyang manahimik.

“Sasabihin mo ba yang feelings mo? Tutal umamin na yung dalawa sayo.”

Wala syang balak umamin kahit na kanino dun sa dalawa.

“Sabagay. Kahit naman umamin ka, wala namang mangyayari. Matibay ang relasyon ng dalawang toyong iyon.” Nag-inat ito.

Alam naman nya iyon. At kapag nagtapat pa sya, baka may mangyari na hindi nya gusto. Baka makasira pa siya ng isang maganda, masaya at matibay na relasyon. Tama nang malubog sa kawalan ang kabobohan nya. Mas maganda na kokonti lang ang may alam.

“Ang sabi nila, dapat walang lalaking duwag sa pag-ibig.” Sabi nito.

Nakuha nito ang buong pansin nya. Minsan lang itong dumaldal ng ganoon. Hindi naman kasi ito madaldal. Nagsasalita naman pero madalang lang at madalas na maikli lang. Bihira ang ganito na nagmomonologue si Martin.

“Pero katapangan din namang maituturing ang pananatiling tahimik. Ang pag-amin na talo ka na. Mahirap magtagumpay. Pero mas mahirap harapin ang katotohanan na kailangan mo nang sumuko. Dahil alam mong wala nang patutunguhan ang pinaglalaban mo. Tama na sigurong ikaw na lang ang masaktan kaysa may madamay ka pang iba.”

Katahimikan. Tae.

“Bleed in silence. Alam mong mas makakatulong ka sa ganoong paraan kahit napakasakit, hindi ba?”

Tumingin lang ito sa kanya.

Napayuko sya.

“Yeah,” mahina nyang pagsang-ayon.

“Good.” Tinapik nito ang balikat nya.

Napatingin ulit sya dito.

“Kaya sa susunod, bawas bawasan mo yang kabobohan mo.”

Natawa sya. “Ang dami mo nang sinabi. Tumahimik ka na lang.”

 ---

This is it. He needs this.

Tinext nya si Anne.

Mac: Can I call you?

Hinintay nya ang reply nito.

Anne: Yep. Bakit?

Tinawagan na nya ito.

“Anne?”

“Oh?” sagot nito.

Hindi pa sya makapagsalita.

“Hoy!” untag nito.

“I have something to tell you.”

“Wow. English.”

“Wag ka nang magulo.”

sayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon