Chapter 9

794 33 1
                                    

Akim

"Iiinit ko lang ng konti yung ulam tapos magsasaing lang ako. Sandali lang."

Kagaya ng dati wala akong nakuhang matinong sagot sa babaeng baliw na ito. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang dapat kong gawain.

Agad naman din akong naghain nung maluto na ang kanin. Hinanap ko si Dana. Asaan na kaya yung masungit na loka loka.

Nakita ko si Dana na amuse na amuse sa mga lumang litrato ng pamilya ko.

"Hui, kumain na muna tayo."

She went ahead of me. Baliw din talaga tong sungit na to.

"What's this?"

"This is called Tinolang Native na Manok."

"What?"

"Basta. Kain na."

Tinikman muna ni Dana ang tinola. Natawa ako ng napalaki ang singkit nyang mata.

"Sarap?"

She nodded and started to eat well. Aba hindi nagsasalita. Kain lang ng kain. Natatawa na lang ako sa kaniya.

"Akim. I'm so full."

I laughed. Bakit hindi eh halos sya na ang umubos ng kanin namin.

"Oh My God! I am so full."

I went to my room to get her some indigestion pills, baka di matunawan itong si madam sungit.

Haii...

After I fixed the table and wash the dishes, tinabihan ko na si Dana na masayang tinitingnan ang mga pictures.

"Is this your family?"

"Yes. Kaya lang kulang pa kami nyan. Ako pa pinakabata jan. Wala pa yung bunso."

"Your father is a foreigner?"

"Half-half."

"Your mom?"

"Full-blooded Pinay."

"She really is pretty."

"No, "

"She is!"

"No, she's not just pretty, my Mommy is beautiful."

She rolled her eyes.

"Okay. Your brothers looked good too."

"Ako kaya ang pinakapogi sabi ng Mommy ko."

"He looked better than you."

"Si Matti? Haha. Sorry, taken na yang kapatid ko na yan. May 20 years old na yang anak."

"Really?"

"Yeah, really. Arte neto. Ako na lang single sa amin."

Nakakainis talaga tong babaeng to, kulang sa reaksyon at emosyon.

"Where is this place?"

"Ah, sa farm yan. My grandfather loves farming, kaya lang walang nagmana nyan sa mga anak ng Lolo ko. They are all girls."

"So this isn't your family's anymore?"

"Gusto mo bang puntahan?"

"Can we?"

"Pwede pa naman. Pamangkin ng Lolo ko ang nagmana nyan. Buhay na buhay pa naman yang farm na yan."

"Can we go?"

"Malayo yan! Tsaka kailangan ko munang sabihan sila Tito Darren."

"Okay."

"I think I already met your mother."

UnscathedWhere stories live. Discover now