Chapter 49

2.2K 128 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Halos mandilim na ang aking paningin dahil sa sobrang panghihina matapos alisin ni Zenon ang kaniyang kamay mula sa pagkakasakal sa akin.


“Nagkamali ako, masyado kitang minaliit pero hindi naman importante ang nakatakas.”


“Tanga..ka kasi.” Akmang sasampalin niya ako pero natigil ang kamay niya at ibinaba na lamang ito.


“Pasalamat ka at may paggagamitan ako sayo kung hindi matagal na kitang pinatay.” Napatawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya.


“Aminin…..mo na lang kasi….na..na hindi mo ko kaya…kaya simula pa lang…ako na ang gagamitin mo.”


“Nagpapatawa ka ba? Tignan mo nga ang sarili mo ni hindi mo kayang tumayo at ituwid ang iyong sarili.”


“Kahit…..kailan..hindi nagtagumpay…..ang isang mayroong….masamang balak.” Napatawa ito ng malakas at lumapit sa akin. Pinagapang nito ang kaniyang mga daliri sa mga itim na mark ana umaakyat ng paunti-unti sa katawan ko.


“Pasensya na, pero sa tingin ko malapit na akong magtagumpay.” Akala ko ay lalabas na siya ng silid ngunit tumayo lamang ito sa aking harapan.


Sana.


Sana lang hindi siya magdalawang isip na tapusin ako kapag nawala ang lahat sa control.


Nang titigan niya ako gamit ang kaniyang mga matang nangingitim ay napahiyaw ako sa sakit. Mas masakit ito kaysa noong una.


“Maghanda ka nalalapit na ang pagsira mo sa kanila.” Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang aking bibig at sumagot sa kaniya.


“Masusunod po, kamahalan.”



Ace Blythecrelle Ignatious


Lumiwanag ang apat na bato sa harapan namin ng sabay-sabay. Nang mawala ito ay nasa harapan na namin ang mga diyosa ng bawat elemental powers.


“Ikinagagalak kitang muling makita Blythe.” Yumuko ang sa kaniya matapos siyang lumapit sa akin. Sa pagkaka-alam ko ay sa oras na lumabas ang aming kapangyarihan ay nagpapakita ang mga Diyosa sa aming panaginip upang ibigay ang kanilang biyaya na nararapat kami na magtaglay ng kaniyang kapangyarihan.


“How could this be?” Naguguluhang tanong ni Tito Calix. “Sa pagkaka-alam ko ay nahuli kayo ng ama ni Zenon at ikinulong kung saan hindi ito maaabot o makikita ng iba.”


“Tama po kayo kamahalan. Kami ay nahuli noong nakaraang digmaan at ipinatapon sa kung saan ngunit walang imposible pagdating sa inyong anak.” Sagot ni Goddess Hestia.


“Tama ka Goddess Hestia maski ako na ama ay hindi alam kung hanggang saan ang kakayahan niya.”


“Alam namin ang lahat.” Napatingin kami sa sagot ni Goddess Nerissa.


“Alam kong alam niyo ang lahat pero papaano niyo nalaman ang lahat kung nakakulong kayo?” Naguguluhan kong tanong.


“Minsan nang napadpad ang Prinsesa kung saan kami nakakulong, mula noon ay lagi na siyang nagpupunta doon at nagsasanay ngunit limitado lamang ang alam naming ituro kaya siya mismo ay nag-ensayo mag-isa upang mapag-aralan ang lahat ng kanyang kapangyarihan.” Paliwanag ni Goddess Maris.


“Ibig sabihin, ang mga kapangyarihan na ipinapakita niya?” Hindi makapaniwala na tanong ni Dahlia na hindi na niya natapos ang sasabihin.


“Tama ka, ang Prinsesa ay taglay lahat ang kapangyarihan ngunit dahil sa naisuot na ni Zenon ang pulseras bago niya malaman at mapag-aralan ang kaniyang mga kapangyarihan, hindi niya ito magamit sa hangganan na lakas ng mga ito.”

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now