Chapter 6

2.9K 141 1
                                    


Leilina Lucerne Lusitania

Pumikit ako at pinakiramdam ang paligid. Pito sila. Naramdaman kong pinalibutan nila ako, umupo ako para ayusin kunware ang aking sintas na talaga namang nawala sa pagkakatali. Kuniha nila iyong tiyempo para lumabas sa pinagtataguan nila.

“Who are you?” Tanong ng isang lalaki na kasama nila. Tumayo ako sa pagkakaupo at tinignan lamang ito.

“Come on Pierre, she can’t understand you.” Napangiti ako sa loob ko.

“Sorry.” Kibit-balikat nito.

“Sino ka? Anong kailangan mo sa lugar na ito.” Tanong ulit ng isang lalaking kasama nila, napabuntong hininga na lang ako sa loob ko, bakit ang dami naman kasi nila? Hayy.

Nanatili akong tahimik at inabot ang papel na ginawa sa akin ni Hestia para sa mga impormasyon na gagamitin ko para sa aking sarili.

Nagulat nalang din ako ngunit hindi ko ipinahalata nang hablutin ito ng kasama nilang lalaki na may nakakatakot na aura. Ganun din ang kaniyang mga kasamahan ay tila nagulat din. Bakit?

“House Adina, Healer Familia.” Banggit nito.

“Nandito ka para mag-aral sa school namin?” Tango lang at blankong ekspresyon ang isinagot ko, wala na siguro silang maitanong kaya inaya na nila ako papuntang academia.

“Ako nga pala si Dahlia Nerissa Arden ikaw anong pangalan mo?” Tanong sakin ng babaeng mas maliit sa akin ng isang dangkal at may dirty brown na buhok and emerald eyes.

“Leilina Adina.” Sabi ko sa kaniya.
“Ako naman si Misty Oceane.” Magkaheight lang sila ni Dahlia ngunit ang buhok niya ay itim at ang mata niya ay blue. “Tapos siya naman si Auria Avery Nova.” Turo niya sa babaeng white ang buhok at may gray eyes. Kumaway ito sa aking kaya nginitian ko ito pabalik.

“May nakapagsabi na ba sayo na ang ganda mo?” Sabi ni Misty sa akin.

“Wala.” Sagot ko sa kaniya.

“Talaga bulag ba sila? Ang tangkad mo tapos ang ganda ng kulay ng mata mo parang ginto, at ang itim mong buhok ang eleganteng tignan dahil sa gold strips nito. Natural ba yan?” Tango lang ulit ang naisagot ko.

“Sorry sa inasal ko kanina, ako nga pala si Pierre Arden.” Kapatid siguro ni Dahlia dahil pareho sila ng kulay ng mata at parang boy version niya si Dahlia. Yumuko ito sa harapan ko at inabot ang aking kamay, hahablutin ko sana ito ngunit may panibagong kamay na humablot dito.

“Ako naman si Skye Lonan.” Sabi ng lalaking abo ang buhok at yumuko din ito sa harapan ko.

“Paumanhin sa kanilang inaasal ako naman si Maxwell Thames.” Sabi ng lalaking may asul na mga mata. Tinignan ko yung lalaking humablot sa hawak kong papel baka magpakilala siya dahil lahat ng kasamahan niya ay nagpakilala na ngunit nakapikit lamang ito habang nakatayo. Tulog ba to?

“Paumanhin muli, talagang ganiyan si Blythe. Ang pangalan niya ay Ace Blythecrelle Ignatius.” Dagdag pa nito sa akin. Kaya naman pala.

“Huwag na huwag mo siyang tatawagin sa kahit na anong pangalan maliban sa Blythe dahil ayaw niya.” Bulong sa akin ni Dahlia kaya tumango na lang ako. Pagod na ako gusto ko nang magpahinga.

“Nandito na tayo!” Masayang sabi ni Pierre ngunit halatang walang gusto pang dumagdag sa kaniya. Namangha ako sa ganda ng paaralan. Nagulat na lamang ako ng may lumabas na isang parang mahiwagang lagusan sa tarangkahan ng Academia.

“Ito ang tunay na lagusan papuntang Academia, ito ang magsasabi kung kwalipikadong pumasok ang isang taga-Lusitania.” Paliwanag ni Misty.

“Papaano lumalabas ang lagusan na yan?” Tanong ko sa kanila.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now