Chapter 42

2K 121 0
                                    


Ace Blythecrelle Ignatious


Nandito kami ngayon sa hall para asikasuhin ang kaarawan ni Leilina bukas. Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko din mapigilan na sisihin ang sarili ko. Mas pinili kong ilayo sa atake si Leilina.


Ngayon ay hindi namin kasama sina Lina, Maxwell at Dahlia dahil magkakasama nga sila sa infirmary. Kahit kasama ko sila Misty ay masama pa rin ang trato nila sa akin dahil sa nangyari.


“May sasabihin ako sa inyo guys.” Lapit sa amin ni Leilina.


“Ano naman ang sasabihin mo? Iritableng tanong ni Auria.


“Kumalma ka nga lang kabayo.” Pagpapahinahon sa kaniya ni Pierre.


“Anong huminahon, alam mo ba ang ginawa niya habang nakikipaglaban tayo? Nakatayo lang siya sa gitna! Hindi niya man lang tayo tinulungan. Akala ko ba ikaw ang pinaka-malakas?!” Totoo ang mga sinabi ni Auria.


“Hindi ako ang dapat sisihin dito kundi ang Lina na iyon.” Lahat kami ay napatingin kay Leilina.


“At bakit naman?” Tanong ni Misty.


“Isa lamang siyang espiya na pinadala rito sa Academia.” Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.


“Ano na naman ba ang gusto mo ha?!” Maging si Misty ay umaalma na rin.


“Saan mo nakuha ang impormasyon na iyan para pagbintangan si Lina ng ganiyan?”


“Madali lang, bakit hindi natin siya puntahan para kumpirmahin ito?” Pilya itong ngumiti.


“Blythe! Huwag mong sabihin na naniniwala ka sa isang to?” Tanong ni Misty.


“Wala naman mawawala Misty kung gagawin natin ang sinasabi ni Leilina. Dapat lang na may managot.” Alam kong mas nagalit ko ang mga ito dahil sa aking mga sinabi.


“Blythe! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Si Lina ang pinag-uusapan natin dito at hindi na siya iba sa atin lalong-lalo na sayo. Dapat alam mo yun. Alam mo? Mas naging masahol pa iyang ugali mo ngayon.”


Kahit hindi nagkaka-ayos ang bawat isa ay pinuntahan namin si Lina na nasa infirmary ngayon kung nasaan si Dahlia.


Tumigil lamang kami sa labas at hinayaan na pumasok si Leilina. Nagulat na lamang ako ng hila-hila na nito si Linna palabas gamit ang kaniyang buhok.


“Walang hiya ka, napahamak si Dahlia ng dahil sayo at hindi ko nakuha ang kwintas! Isa kang traydor! Manloloko!” Sabi pa nito habang hatak-hatak si Lina.


“Ngayon bakit hindi mo sabihin sa kanila ang totoo?” Binitawan ni Leilina ang buhok ni Lina.


Kinakabahan ako sa isasagot ni Lina dahil panay ang pananatili nitong tahimik.


“Lina, totoo ba na isa kang espiya? Hindi diba?” Nanginginig na tanong ni Misty. Hindi ito nakasagot sa tanong ni Misty.


“Totoo ba Lina!?” Muling tanong ni Misty sa kaniya, wala itong ibang isinagot kundi ang iyak na kanina niya pa pinipigilan.


“Patawarin niyo ako-


Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil sinampal ito ni Misty. Maging ako ay hindi makapaniwala dahil totoo na siya ay espiya lamang na ipinadala rito sa Academia. Malakas ang ginawa kong pagpipigil para lamang hindi lumabas ang mga luha sa aking mata.


Lubha akong nasasaktan dahil sa nalaman. So, sa lahat ng pagkakataon na kasama namin siya ay wala siyang ibang ginawa kundi ang manloko, ang lokohin kami.


“Paano mo nagawa sa amin to!? Paaano?!” Walang ibang ginawa si Lina kundi ang umiyak na lang.


“Ipinagtanggol ka namin Lina! Itinuring ka namin na kaibigan tapos ito ang kapalit ang lokohin kami?!”


“Hindi ko sinasadya-


“Anong hindi sinasadya? Nagpapatawa ka ba?” Bakas ang galit sa mukha nila Misty. Tinignan ko kung nasaan na si Leilina ngunit wala ito sa kinatatayuan nito kanina.


“Dapat lang sayo na ikaw ang sisihin sa lahat ng nangyari. Wala kang puso. Ikaw ang may kagagawan ng mga nangyayaring masama dito sa Academia tapos ikaw din ang magbabalik sa dati. Anong klaseng panloloko to?”


Walang ibang maisagot si Lina kundi ang humingi ng tawad.


“Ano ba Lina?! Ano ang magagawa ng tawad mo? Paano mo natitiis si Dahlia na nakahiga ngayon sa loob dahil sa kagagawan mo? Si Dahlia pa naman lagi ang pinakamasaya kapag kasama ka.” Pagkatapos sabihin ito ni Misty ay umalis na ito na sinundan naman ni Skye.


“Buti at may konsensiya ka pa.” Sabi naman ni Auria bago sumunod na umalis.


“Pierre?” Tawag ni Lina kay Pierre ngunit wala din itong imik na umalis at sinundan si Auria.


“Maxwell?”


“Wala kang awa Lina. Dapat lamang na maparusahan ka. Libre na rin na sisihin mo ang sarili mo.” Nilagpasan nito si Lina at pumasok na sa loob ng infirmary.


“Blythe, hayaan mo akong magpaliwanag.” Sabi ni Lina at kumapit sa aking braso.


Mabilis ko itong tinanggal at tinitigan siya ng blanko.


“I’ve heard enough. Ngayon alam ko na kung bakit madali lang para sayo ang kalimutan ang lahat ng sa atin. Hindi ko na kailangan pang magtanong ulit. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw na niloloko mo lang pala ako. Simula pa lang alam ko na, na may mali at kahina-hinala sayo. Ipinagwalang-bahala ko ng lahat ng iyon dahil gusto kita, mahal kita pero tama ang mga hula ko. Hindi ko akalain na magpapaloko ako sa isang katulad mo. Did you have fun deceiving us, deceiving me?”


“Blythe-


“Kung ano man ang pinaplano niyo, sana magtagumapay kayo hah.”


“Please pakingga-


“Pakinggan?! Bakit hindi mo pakinggan ang sarili mo?!” Hindi ko na napigilan ang aking emosyon. Nararamdaman ko na rin ang init sa katawan ko. “Nakaka-awa ka ngayon Lina. Hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan ang isang manloloko na katulad mo. Dapat hindi na lang kita minahal. Sino ang isusunod mo pagkatapos ni Dahlia?”


“Hindi ko gusto na mapahamak kayo.” Tumawa ako ng pagak dahil sa sinabi nito.


“Hindi mo gusto? Nagpapatawa ka ba? Bakit ka nag-espiya dito sa Academia? Para mag-aral at magpalakas? Huwag mo na akong bulahin pa Lina dahil hinding hindi na ako magpapaloko pa sa isang kagaya mo.” Ibinato ko ang kwintas na lagi kong dala-dala simula ng ibalik niya ito noong kaarawan ko.


“Sayo na yan. Lucky charm. Para magtagumapay ang mga plano niyo. Wala na rin namang kwenta yan katulad mo. Kayanin sana ng konsensiya mo lahat ng pinaggagagawa mo.”


“Blythe-


Akmang hahawakan niya ako ulit pero mabilis akong umiwas at lumayo sa kaniya.


“Don’t….you ever dare to come near me again. That’s my third wish. Nakakadiri ka.”

______________________________________

Yes. Betrayal can hurt you but at least listen to the other side of the story. Not all betrayal is bad sometimes it's for the best.

Consecutive updatesss yeheyyyyyyyy!! Katatapos ko lang kasi modules ko heheh kaya naka-update ako...

Tandaan kung pagod na sa pagsagot ng modules magpahingaaa, bitawan muna ang ballpen then rest pagkatapos laban ulit! Ganun langgg, pare-pareho tayong nahihirapan ngayon kaya wag niyo i-down ang isa't isa...

Enjoy reading!

Lovelots 💛









Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now