Chapter 48

2.1K 128 9
                                    


Ace Blythecrelle Ignatious


Napasigaw ako dahil sa sakit ng ulo ko. Sinubukan kong idilat ulit ang aking mga mata pero iba ang nakikita nito kaya paulit-ulit kong ipinikit at idinilat ang aking mga mata.


“Blythe, what’s going on?” Narinig ko ang pag-aalala ng mga nakapaligid sa akin.


Nawala na ang sakit ng ulo ko ng mga ilang sandali pero iba pa rin ang nakikita ng aking mga mata.


“Blythe, ano bang nangyayari? Your eyes are turning into white.” Narinig kong sabi ni Misty.


“I don’t know too.”


“Na-nangako a-akong i-uuwi ki-ta.”


Noong mga oras na iyon ay parang tumigil ang mundo at lahat ng mga nasa paligid ko. I know that voice.


“Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa akin Lina.”


Naramdaman kong nababasa na naman ang aking mga pisngi dahil sa mga luha ko. Tama nga ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyon. Tama siya nga iyon.


“Blythe, ano bang nangyayari? Do you see anything?”


“I….I…I can see and hear what Lina is saying.” Narinig ko ang pag-singhap nila sa tabi ko.


“Skye, call Tito Calixto and Headmaster Cove, faster.” Utos ni Misty kay Skye, kaya nagmadali itong lumabas ng silid.


“Ngayon n-na ang pag-kakataon.” Ramdam ko ang hirap sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.


Lumapit sa kaniya si Miss Cordelia at tinulungan siyang tumayo pero pareho silang hindi nagtagumpay dahil muling bumagsak sahig si Lina. Parang gustong gumalaw ng katawan ko para tulungan siyang tumayo.


“Hang in their baby, please kaya mo yan.” Mahina kong panalangin sa akin sarili.


“What’s happening?” Narinig kong tanong ni Tito Calix.


“Luckily, Blythe can see what Lina also see.” Sagot ni Maxwell.


“Blythe, what are you seeing?”


“I can see that Lina and Miss Celosia are both planning to escape but Lina…. is too weak to move.” Humina ang boses ko ng sabihin ko ang dulo.


“I’m so sorry, I really am.” Nararamdaman kong hindi makapakali si Kuya Llyr habang humihingi ng tawad.


“I already told you Llyr, it’s not your fault.” Pagkukumbinsi ni Tito Calix.


“Can y-you do me a fa-vor? Le-leave me behind first a-and find the goddesses’ st-stone.” Sunod-sunod ang pag-iling ko dahil sa narinig kay Lina.


No no no. Please don’t sacrifise yourself again.


“Pa-babaga-lin lamang ki-ta.” Come on baby, minsan isipin mo rin naman ang sarili mo.


“Miss Celosia y-you need to be fast, ha-nggat wala si Zenon ay hin-di ni-la mararamdaman ang ka-pangyarihan ko. Pag-nakuha mo agad a-ang mga ba-to ay da-dalhin kang mu-li ng portal dito sa a-kin at sa-sabay ta-yong ba-balik sa Academia.”


Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga sinasabi niya. Please Miss Celosia, huwag kang maniwala sa kaniya.


“Please don’t do this again.”


“Blythe, ano na ang nakikita mo?” Tanong nila pero hindi ako sumagot kung tama ang hinala ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.


Pumayag si Miss Celosia sa gusto ni Lina at pumasok na sa portal.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now