Chapter 34

2.1K 131 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


“Mabuti naman at hindi kayo late na dumating.” Masigla ang bati sa amin nina Dahlia at Maxwell habang nasa bungad sila at winewelcome ang bawat bisita nila.


“Paano kami male-late kung Engagement Party to ng mga kaibigan at kasamahan namin?”


“Tama si Misty, bakit kami male-late? Teka may balita ako para sayo Dahlia, alam mo bang ang kambal mo at si Auria na?” Sinubukang itago ni Auria ang kaniyang pisngi na namumula habang si Pierre naman ay nag-iwas ng tingin dahil sa sinabi ko kay Dahlia.


“Akalain mo yun KUYA hindi ka na torpe? Congratulations!” Natawa kami dahil sa ibinuking ni Dahlia tungkol sa kakambal.


“Paano naging torpe si Pierre? Dahlia sabihin mo dali.” Bago pa man makapagsalita si Dahlia ay mabilis na nakalapit sa tabi niya si Pierre at tinakpan ng dalawang kamay ang kaniyang bibig.


“Manahimik ka kung ayaw mong ikaw din ang ibuking ko.” Pagbabanta ni Pierre sa kakambal.


“Ano ba yan Love, may itinatago ka rin ba sa akin? Ikakasal na nga tayo.” May pagtatampong sabi ni Maxwell.


Mabilis pa sa alas-kwatro na tinanggal ni Dahlia ang mga kamay ni Pierre sa kaniyag bibig at lumapit kay Maxwell para aluin ito. “Wala akong tinatago sayo Mahal, ano ka ba? Gawa-gawa lang yun ni Pierre, takot lang siya na mabuking kung ano yung mga kinuwento niya tungkol kay Auria.”


“Talaga?” Tumango-tango si Dahlia. Nagulat ako dahil sa pagbabago ni Maxwell. Kilala ko ito bilang isang matino? At responsable pero bakit parang bumalik ito sa pagkabata? Nevermind. Baka yan ang nagagawa ng in love. Ganiyan din naman si Blythe. Hay.


“May I please ask everyone to seat on their respective chairs.” Biglang nagsalita ang host sa harapan kaya natigil ang maliit naming katuwaan sa bungad.
“Tara, maupo na tayo, magkakasama naman tayog walo sa iisang table.” Pag-anyaya sa amin ni Dahlia.


“I’m happy for you in-law.” Umakbay na sabi ni Maxwell kay Pierre.


“In-law mo mukha mo.” Tumawa lang si Maxwell dahil sa natanggap niyang sagot kay Pierre.


“Why? Still not accepting me?” Bago pa man makasagot si Pierre ay hinablot na ito ni Auria.


“Pabayaan mo na lang sila ng kakambal mo. Unggoy ka. Huwag kang isip-bata, may Engagement Party na nga oh.” Pasimple pang kinurot ito ni Auria sa tagiliran kaya napahaba ang nguso nito at yumakap kay Auria. Nakita ko ang pagkusilap ni Dahlia dahil sa ginawa ni Pierre.


“Welcome everyone, we’re all here to witness the Engagement Party of the two young and lovely couple. Created both by their struggles that they have encountered and their love that bind themselves together. First of all, let’s call their parents who are very supportive from the very start to give words for the partner.”


Masigabong nagpalakpakan lahat ng tao sa loob. Umakyat ang buong pamilyang Thames at Arden maliban kila Maxwell at Dahlia na natili sa aming table. Ibinigay ng pamilyang Thames sa Arden ang pribelehiyong magsalita para sa amin lahat.


“Welcome, our dear guests. This arrangement was done since they were little. Two Royal families agreed to marry off their children. At first, this arrangement was purely done because of the friendship of the families but what surprise us is that we didn’t did much effort for their relationship but it bloomed on their own and finally made a beautiful and lovely couple. Maxwell, Dahlia you know that both families are happy for you and will be supporting always. Now let’s welcome the two people which made us all gathered in this place- Prince Maxwell and Princess Dahlia, can you make your Pre-vows?”


Muli kong narinig ang palakpakan ng lahat ng nandodoon dahil sa pagkakataon na yun ang pinagkasundo ng pag-ibig na ang umakyat sa itaas. Binigyan silang dalawa ng mikropono para sa sasabihin nilang Pre-vows.


“Dahlia, I am the guy who will not put having a relationship and love first. I merely focus myself on studying and how to make my self stronger. But I know that I am incomplete, then I met you, since I don’t want a noisy atmosphere, I always shut you out and tell you rude comments.” Nagtawanan lahat ng nasa loob dahil sa sinabi ni Maxwell kaya nalukot and mukha ni Dahlia.


“I’d started to feel weird and different towards you, I gave my attention to others trying to erase the weird feelings that I’m having because of you. One day I realized that I was just being in denial, I’ve finally said my true feelings about you cous I don’t want to hide it anymore. I love you my Princess Dahlia, with all of my heart.” Pagkatapos ng sinabi ni Maxwell ay hinalikan nito ang noo ni Dahlia hindi nakalagpas sa paningin naming ang mga luhang lumabas sa mata nilang dalawa. Bakit parang kasalan naman na? Wala namang problema sa akin.


“Maxwell, first of all I’m sorry if I am very noisy and loud. Since the first time that we met, all you do makes my heart beamed emotions that I have never felt before. I think you don’t know it, but I always follow you wherever you go. I love seeing you smile and hearing you laugh. I know that I’ve fall so hard. Then I thought that you are in love with someone else and tried to sacrifice my own happiness for you to be happy and I am glad to hear you say I love you for the first time. I love you too Maxwell and promise to give you my fidelity.”


Napaisip ako dahil sa huling salita na binaggit ni Dahlia. Fidelity? Faithfulness? I think, hindi ko kayang ibigay yun kay Blythe dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon. But it is just an excuse, pwede ko naman sabihin sa kaniya ang lahat kung gugustuhin ko pero natatakot ako. Natatakot ako na baka kamuhian niya ako at madamay siya sa gulong meron ako. Pero mas maganda na siguro yun para hindi siya mapahamak.


“Saglit lang magpapahangin lang ako sa labas.” Pagpapaalam ko kay Blythe.


“Sasamahan na kita.”


“No, huwag na, diyan lang naman ako sa labas.”


“Are you okay?” Mabilis akong tumango sa kaniya at hinalikan siya sa noo.


HABANG nasa labas ay napaisip ako ng marami. Alam kong masama ang kalagayan ng nanay at tatay sa kamay ni Zenon pero wala akong magawa dahil duwag ako. Nagiging duwag ako sa lahat ng bagay. Nagtagal pa ako sa labas ng ilang minuto bago ko napagdesisyonan na muling pumasok sa loob ay nakaramdam ako ng isang aura na hindi kalayuan sa akin kaya nilingon ko kung sino ito.


______________________________________

Not sure kung meron talagang pre-vows hahahahah

Thank you for 200 reads... Deeply appreciated because it is just a story from a small acc.

Enjoy reading!

Lovelots 💛

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now