Chapter 12

2.4K 143 4
                                    


Misty Oceane


Buti na lang umamin si Lina. Napagusapan na namin noon na parang marunong siyang magsalita ng English pero mas minabuti namin na hindi magtanong dahil baka uncomfortable para sa kanya.


Mas masaya din ako na mas naging open na samin si Lina. Talaga naman kasing nakakatakot siya nung hindi siya palasalita, para ka lang kumakausap ng hangin. Mas malala pa kay Blythe puro kasi siya tango lang.


“Ako na lang ang mag-oorder.” Si Lina ang nagpresinta na kumuha ng pagkain namin.


Pinag-uusapan pa namin kung sino ang sasama sa kaniya dahil hindi niya mahahawakan yun pero dumiretso na siya sa counter.


“Oy, sino sasama sa kaniya?” Tanong ko sa kanila pero mukhang busy silang lahat.


“Ako na lang.” Presinta ni Dahlia.


“Hindi ka pwede Dahlia, lampa ka.” Napasimangot si Dahlia sa sinabi ng kapatid niya.


“Inaano ba kita? Ikaw na lang kaya para hindi ka sabat ng sabat diyan.”


“Umupo ka lang dito Pierre, ako na lang—” Hindi natuloy ang sasabihin ni Maxwell ng tumayo si Blythe. Sinundan namin siya ng tingin baka sa iba lang pupunta pero papunta siya sa counter.


Hay pinsan, ewan ko lang ha. May nararamdaman akong kakaiba.


“Something smells fishy.” Natawa ako sa itsura ni Dahlia dahil nilagay pa nito ang hintuturo sa ilong.


“Oo nga napansin niyo rin ba, medyo humahaba sinasabi ni Blythe, medyo lang.”


“Iba rin ang ikinilos niya nung una nating makita si Lina.”


Iba nga talaga.


Ace Blythecrelle Ignatius


Ang ingay nila pwede naman pumunta na kung sino ang gustong tumulong kay Lista.


Nagtuturuan lang sila pero nung nagprepresinta na si Maxwell ay nauna na akong tumayo at pumunta sa counter. Pakialam ko sa kung ano ang magiging reaksiyon nila.


Habang papalapit ako sa counter, mukhang may kaaway ang babaeng yun dahil nakapalibot sa kanila ang mga estudyante.


Weird na nga. War freak pa.


“Bait-baitan mahina lang naman.” Napa-tsk lang ako sa sinabi nung lalaki.


“Ano bang problema mo, hindi naman kita inaano.” Napangisi ako sa turan nito. War freak nga.


Hindi ito sumasagot sa halip ay lumapit ito. Mayroon siyang ibinulong. Biglang nag-init ang aking pakiramdam. Naikuyom ko ang aking mga kamao.


“Ano bang ginawang masama sa iyo ng First Triad?” Naalala ko na kung saan ko nakita ang lalaking ito.


“Hindi mo ako kaya. Dahil.Mahina.Ka.” Mas lalo akong nag-init ng makita ko kung papaano siya nito dinuro.


Hindi ko na pinalagpas ang mga sinasabi nito kaya pumunta na ako sa pagitan nila.


“Ano bang espesyal na ginawa mo para mapabilang sa First Triad?”


Hindi na nakasagot si Lista dahil ihinarang ko ang kamay ko sa tapat ng bibig niya.


“Kung may problema ka sa amin, huwag mo siyang idamay.”


“Hah! Nagtawag ka pa talaga ng kakampi mo. Bat ba nangingialam ka?” Nararamdaman ko ang kapangyarihan ko sa aking kamay ngunit natigil ito dahil may naramdaman akong malambot na bagay na humawak dito.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now