Chapter 50

2.6K 151 2
                                    


Dahlia Nerissa Arden


Pagkatapos ng narinig namin mula sa kawal ay wala na kaming sinayang na oras at nagmadaling pumunta sa centro kung nasaan ang Academia.


Pinakatitigan ko ang reaksiyon ni Blythe habang tumatakbo. Seryoso ito ngunit hindi maipagkakaila ang sabik sa mga mata nito. Hindi naman maipagkakaila sa amin lahat ang pagkagusto na muling makita si Lina pero andoroon pa rin ang takot na maaari na nga itong tuluyang nagbago.


“Guys, kailangan niyong ihanda ang sarili niyo. Maaaring hindi ang kilala nating Lina ang makakaharap natin ngayon.” Pagpapa-alala ni Misty sa amin. Ilang sandal pa itong natahimik ngunit kinalaunan ay dinagdagan nito ang kaniyang sinabi.


“Ang ibig sabihin ay huwag niyong pipigilan ang sarili niyong umatake kapag nagkataon.”


“Hindi.” Napatingin kaming lahat kay Blythe nang magsalita ito.


“Kung sakaling wala siya sa kaniyang sarili, ang kailangan nating subukan ay ang ibalik siya sa dati.”


“Tama ka pero papaano?” Tanong ni Auria.


“Mangonsensya, magaling ka naman dun.” Biglang binatukan ni Auria si Pierre.


“Hanggang dito ba naman wala pa rin yang utak mo.”


“Mahal mo naman.” Napabuntong hininga na lang ako sa kahihiyan dahil sa sinabi ng kakambal ko.


“Papaano nga?! Hindi ito ang tamang oras para magbiro. Well totoo naman.” Napabuntong hininga ako dahil sa kanila.


“Just be yourself. Walang imposible pagdating kay Lina.” Pagkasabi nun ni Blythe ay mas bumilis ang pagtakbo nito at iniwan.


Pagdating namin sa Academia kaniya-kaniyang singhap ang namayani sa aming lahat, sira-sira ang mga gusali, mga sugatan na estudyante ang bumungad sa amin. Bakit? Bakit kailangan na mauwi ang lahat sa ganito?


“LINA!” Sigaw ko nang makita ang isang babaeng abala sa pakikipaglaban sa halos sampung estudyante ngunit agad niya itong pinatumba sa isang iglap lamang.


Dahan-dahan ang naging paglingon nito sa amin. Nang magtama ang paningin namin ay natulos ako sa aking kinatatayuan. Blanko, walang ka-emo-emosyon niya kaming tinignan.


Ace Blythecrelle Ignatious


“LINA!” Sigaw ni Dahlia na nagtagumpay na makuha ang atensiyon ni Lina.


Nang lumingon ito ay halos hindi na ako makagalaw sa aking kinatatayuan.


"Kung sakaling mawala ako sa control, gusto kong ikaw ang tumapos sa akin."


Para kanina lang nang sabihin niya sa akin ang mga salitang iyon. Pero hindi, alam kong mayroong ibang paraan para tapusin ang lahat ng ito.


Dahil sa pagakagulat ng mga kaibigan ko ay hindi nila naihanda ang kanilang sarili nang sumugod si Lina, buti na lamang ay agad akong nakapagpalabas nang isang harang para maitapat sa kaniyang pag-a take.


“Guys, kailangan niyong mag-focus!” Pagpapa-alala ko sa kanila.


“Auria, use your haste so that you can move the students far from here. Skye, help Auria.”


“Saan namin dadalhin?” Napabuntong hininga na lang ako sa tanong ni Auria.


“Sino satin ngayon ang walang utak?” Mapang-asar na tanong ni Pierre.


“Too much talking, use your common sense. Maxwell and Pierre, protect Dahlia and Misty while they are performing the incantation for the seal.”


“And you?” Tanong ni Misty.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now