Chapter 24

2.1K 135 0
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Dumating na ang oras ng ball pero wala pa rin akong partner. Habang abala sila sa pag-aayos ng sarili nakahiga lang ako sa kama ko. Tinatamad akong pumunta ng ball. Wala na rin akong paki-alam kung mandatory or hindi.


Nakarinig ako ng katok sa pintuan ko kaya kahit tinatamad ay pinilit kong bumangon upang tignan kung sino ang kumakatok.


“Lina! Hindi ka pa nakabihis?” Nakita kong nakatayo si Misty sa harapan ko nakasuot ng royal blue long sleeves gown.


“Pasensya na pero kung gusto niyo mauna na kayo. Promise, susunod ako.”


“Sige, basta sumunod ka hah.” Tumango lang ako habang nakangiti.


“Bye.”


“Ingat.”


Nagshower ako pagkatapos ay pumunta na ako sa cabinet ko na siyang magdedecide ng susuotin ko.


Paglabas ko ay nakapusod ang buhok ko paitaas habang may mga nakakulot na hibla na nakalaylay dito. My gown is in a mermaid style na color maroon. May sequence ito ng katulad ng Lucerne flower. Sa inis ko parang gusto kong pasabugin yung cabinet ko, mas lalong pinapahalata nito na ako ang prinsesa.


Humarap ako sa salamin at kinuha ang ipit na binili para sa akin at inipit iyon sa buhok ko. Umupo ako sa kama nagbabakasakali na pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko, may naghihintay sa akin. Pero imagination ko lang yung dahil paglabas ko ay wala na talagang tao.


No choice tinahak ko ang daan papunta sa hall ng Academia kung saan ginaganap ang ball. Wala akong nakitang First Triad kaya kahit nasa akin ang mata ng karamihan ay nagpunta ako sa sulok upang doon pumwesto. Akala ko ba nauna sila Misty bakit wala pa sila dito?


Naalis ang atensiyon sa akin ng mga estudyante ng magsimula na ang tagapagsalita ng ball.


“Maligayang kaarawan sa Academia at magandang gabi sa inyong lahat. Ngayon gabi ay mayroon tayong mga mahahalagang bisita na kasama natin sa pagdiriwang ng kaarawan ng ating mahal na paaralan. Let’s give around of applause for the families who are reigning Lusitania.”


Lahat kami ay napatingin sa bukana ng hall kung saan papasok ang mga Royals.


“From Kingdom of Oceane’s, King Maximus, Queen Cristy and Princess Misty Oceane.” Nakaramdam ako ng tuwa habang tinitignan sila.


“Kingdom of Thames, King Lynn, Queen Abina and Prince Maxwell.”


“Kingdom of Arden’s, King Arthur, Queen Guinevere, Prince Pierre and Princess Dahlia.” Makikita mo ang saya sa kanilang mga mukha habang kasama nila ang kanilang mga magulang.


“Kingdom of Nova, King Evian, Queen Gaia and Princess Auria.”


“Kingdom of Lonan, King Lincoln, Queen Sedna and Prince Skye.”


“Kingdom of Ignatius- Mas lalong tumutok ang aking mga mata sa bulwagan dahil sigurado akong makikita ko na siya.


“King Blaise, Queen Irene and Prince Blythecrelle Ignatius.” Nakapagwapo nito sa suot nitong pormal na suit. Nakataas ang buhok nito na nagpamature sa kaniyang itsura. Nakita kong umiikot ang ulo nito na para bang mayroong hinahanap. Nagtama ang paningin namin at nakitang kong umangat ang sulok ng labi nito ng makita ako.


“And last but not the least-“ Napaisip ako, isa na lang ang pamilya na hindi natatawag, yun ay ang mga magulang ko. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata dahil makikita ko na sila kahit sa malayo lang. Lahat ay umayos ng tayo at yumuko pero hindi ko ginawa yun dahil gusto kong makita ang mga magulang ko.


“Show your respect for Familia Lusitania, from Kingdom of Lusitania, King Calixto and Queen Lucille.” Mas lalong bumuhos ang aking mga luha ng marinig ko ang pangalan ng aking mga magulang. Ngunit isang bagay na nagpagulat sa akin, ang taong bumili ng suot-suot kong ipit na nakasama ko kahapon ay ang aking tunay na ama. Para akong binuhusan ng yelo dahil sa mga naiisip ko ngayon. Kung alam ko lang.


Umupo lahat ng Royal family ng Lusitania sa isang mahabang lamesang nasa harapan. Umakyat sa entablado si Headmaster Cove kaya muling natahimik ang hall.


“Magandang gabi sa inyong lahat. Nais kong magpasalamat sa lahat ng importanteng bisita na dumalo upang ipagdiwang ang kaarawan ng Academia Lusitania. Alam kong nitong mga nakaraang araw ay mayroong nagbabandyang panganib para sa atin. Ngunit alam kong sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagmamahal ay masusugpo natin ang dilim at mananaig ang liwanag. Hindi man natin kasama ang ilan sa mga mahal natin sa buhay alam kong ginagawa nila ang lahat para sa ating ikabubuti kung nasaan man sila ngayon. Enjoy the night Lusitanians. Thank you.” Nagpalakpakan ag lahat sa mga sinabi ni Headmaster Cove.


Paano kung ang ginagawa nila ay makakasira para sa lahat? Nagkaroon ng pagkakataon ang First Tirad upang lapitan ako ngunit nakita kong naiwan sa lamesa si Blythe.


“Lina ang ganda mo naman ngayon. Kahit nasa sulok ka ay litaw ang ganda mo para kang isang Prinsesa.” Natuwa ako sa sinabi ni Dahlia.


“Salamat.”


“Gusto kang makilala ng mga magulang namin, nagtataka sila kung sino ang nakatapat sa amin para makasama namin sa First Triad.” Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Maxwell.


“Huwag na nakakahiya naman.”


“Huwag ka ng mahiya Lina, marami na rin kaming naikwento sa kanila tungkol sayo.” Sana nga ganun na lang kadali yun.


Bago pa nila ako mahatak ay nakita ko ang aking mga magulang na nasa entablado kaya napatigil sila sa
kanilang paghatak sa akin.


“Magandang gabi Lusitania.” Bati ng aking ina. Hindi ko na naman mapigilan lumuha dahil sa mga bagay na iniisip ko. Gaano kaya kasarap maramdaman ang yakap nila at pagmamahal?


“Humihingi kami ng despensa dahil sa lahat ng okasiyon na nagaganap sa Lusitania ay ngayon lang kami nakadalo. Labing-pitong taon na ang nakakaraan ngunit mahirap para sa amin ang mawalan ng anak ngunit nagbabakasakali kami na baka nandiyan lang siya at hinihintay na puntahan namin. Napilitan akong ilayo siya dito mula sa kapahamakan dahil alam kong siya ang balak ng kalaban at ngayon hindi pa rin siya bumabalik. Dalawang buwan na lang ay kaarawan na niya, nagbabakasakali akong narito na siya sa piling nating lahat. Kung nasaan ka man ngayon anak, mahal na mahal ka namin.”


Hinatak ko ang kamay kong hawak ni Dahlia at nagmadaling lumabas. Sa pagmamadali ko ay nakabangga ako ng isang estudyanteng may hawak na inumin kaya natapon ito sa akin. Nakuha ko lahat ng atensiyon kaya napatingin ako kung nasaan ang aking mga magulang. Nagtama ang paningin namin ngunit doon na lang yun dahil minadali ko ang paglabas.


Ang gusto ko lang sa pagkakataon iyong na masabi kong-


‘Nakabalik na po ako.’

______________________________________

How sad😔

Enjoy reading!

Lovelots 💛


Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now