Chapter 45

2.1K 120 3
                                    


Dahlia Nerissa Arden

“Lina! Lina!” Pilit kong sigaw sa kaniyang pangalan kahit alam kong naglaho na sila at hindi ko alam kung saan siya dadalhin.

“Dahlia, tama na.” Pilit akong pinapakalma ni Maxwell pero parang walang isang salita ang pumapasok sa isipan ko ngayon.

“Ka-ka-kasalanan ko… kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung na-nasa tabi niya lang ako, kung inilabas s…sa-sana natin siya kaagad sa kulungan na iyon ay hi..hi..hindi siya, hindi siya makukuha ni Zenon.” Pati ang sarili kong mga salita ay hindi ko na maintindihan dahil sa mga pag-iyak ko.

“Wala kang kasalanan Dahlia, ginawa mo ang lahat para tulungan siya. Hindi mo kasalanan na hindi mo magamit ang kapangyarihan mo sa loob ng silid-kulungan. Hindi mo kasalanan kung bakit hindi natin siya nailabas doon.” Pang-aalo sa akin ni Maxwell.

“Na-nakita ko ang hirap sa mukha niya. Hindi niya kakayanin ang laban na to mag-isa dahil nakita ko siyang nahihirapan. Hirap na hirap na siya pero ayaw niyang humingi ng tulong dahil ayaw niya nang mang-damay pa ng iba.”

“Dahlia-“ Unting-unti na lumapit sa akin sila Misty kaya mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.

“Patawarin mo kami hindi namin alam.” Humingi rin ng tawad sila Auria.

“Hindi niyo kasalanan ang mga nangyari. Pare-pareho tayong walang alam sa mga nangyayari.” Dahil hindi ko na kayang magsalita ay si Maxwell na ang nagsalita para sa akin.

“Paano nangyari to Headmaster Cove? Papaano nakapasok ang kalaban dito sa Academia?” Mabilis na naibalik ng mga builders ang nasirang parte ng hall.

Ang mga ibang estudyante ng Lusitania ay pinabalik na sa kanilang mga silid at pinaghahanda na para sa nalalapit na digmaan dahil sa ginawang iyon ni Zenon ay siguradong nagdedeklara na ito ng laban. Kami naman na First Triad kasama ang aming pamilya ang natira sa loob ng hall.

Natigil ang katahimikan ng lahat ng lumapit sa kanila ang isang nagmamadaling guro rin sa Acadmia.

“Ipagpaumanhin, nandito po ako para ibalita na nawawala si Miss Celosia, ngayon-ngayon lamang.” Napahampas ng lamesa ang ama ni Lina.

“Paano nangyari to Headmaster Cove? Papaano nakapasok ang kalaban dito sa Academia? Una ang aking anak ngayon naman ay isang guro ng Academia?”

“Humihingi ako ng paumanhin dahil sa aking pagiging pabaya.” Humingi ng tawad si Headmaster kay Tito Calixto.

“Mananalo pa ba tayo ngayon na wala ang Prinsesa?” Nag-aalalang tanong ng ama ni Maxwell.

“Narinig niyong lahat ang sinabi ni Zenon na kapag umabot na sa kaniyang puso ang mga marka ay tuluyan niya na itong makokontrol at sigurado akong hindi pabor sa atin ang magiging kakalabasan nito.” Dugtong pa ng aking ama.

“Kailangan tulungan ang anak ko. She must have felt very lonely. Paano siya nakulong? Dumaan ba siya sa tamang paglilitis ng Academia?!” Mukhang nakabawi na si Tita Lucille sa mga nangyayari at nagsalita na para sa anak.

Yumukong muli si Headmaster. “Patawarin akong muli ngunit hindi dumaan ang Prinsesa sa tamang paglilitis dahil malinaw na inamin niya sa konseho ng Academia ang kaniyang mga ginawa.”

Ang mga Royals ay nananatiling tahimik at ayaw maki-alam sa usapan ng matatanda. Tinignan ko si Blythe, alam kong masakit din para sa kaniya ang mga nalaman at nasasaktan siya ngayon dahil wala siyang nagawa para sa taong mahal.

“I trust my daughter, kahit nakita at nakasama ko lang siya sa maikling panahon, alam kong hindi siya papatalo sa kalaban.” Lahat ay sumang-ayon dahil sa sinabi ni Tito Calixto

Academia Lusitania: Deceived DeceiverKde žijí příběhy. Začni objevovat