Chapter 28

2.2K 140 1
                                    


Leilina Lucerne Lusitania


Maaga kaming tinipon ni Miss Celosia sa harapan ng Academia.


“Mag-iingat kayo First Triad, sa inyo nakasalalay ang kinabukasan ng Academia maging ang buong Lusitania.” Tumango kami sa sinabi ni Miss Celosia.


“Leilina, pwede ba kitang maka-usap saglit?” Tumango ako at umalis sa tabi ni Blythe.


“Bakit niyo po ako gustong maka-usap?” Tanong ko dahil kinakailangan pang lumayo kami sa kanila para mag-usap.


“Hindi ako naninigurado ngunit kung sakaling makaharap niyong muli si Llyr ay gusto Kong tulungan mo siya. Tulungan mo siyang maka-uwi.” Nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa mat ani Miss Celosia marahil ay malalim at totoo ang nararamdaman nito para kay Llyr.


“Bakit sa akin po kayo humihingi ng tulong?” Medyo naguguluhan kasi ako dahil nandiyan naman si Maxwell at Blythe.


“Naniniwala rin ako sa kanila ngunit iba ang nararamdaman ko pagdating sayo.” Hindi na muli ako nagtanong pa at marahan ulit na tumango.


“Gagawin ko ang makakaya kong iuwi siya sayo Miss Celosia. Alam kong tutulungan ako ng First Triad kapag nagkataon.”


“Maraming salamat sayo Lina.” Pinahid nito ang mga luha at ngumiti sa akin.


“Halika na, baka magtaka si Blythe bakit ang tagal na kitang hiniram.” Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya.


“Bakit gulat ka? Halos buong Academia ay alam na kayo na.” Oo nga naman, ipaglandakan kasi ni Blythe na sa kaniya lang daw ako.


“Anong pinag-usapan niyo ni Miss Celosia?” Tanong ni Blythe ng makabalik ako sa tabi niya.


“Wala naman, nagbigay lang ng konting payo.” Alam kong hindi ito naniwala sa sinabi ko pero hindi na rin naman ito nagtanong.


Misty Oceane


Maaga kaming gumising para makapaghanda ng umalis para sa misyon namin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Skye mula pa kagabi.


Nagkaroon kami ng pagtatalo dahil sa tinanong ko. Hindi ko kasi siya maintindihan, palagi niya akong tinutulungan, palagi siyang sweet at maalaga pagdating sa akin kaya tinanong ko siya ng diretsahan kagabi. Tinanong ko kung may gusto ba ito sa akin ngunit hindi siya umimik.


“Skye may gusto ka ba sa akin? Diretsa kong sabi sa kaniya. Hindi ko na kasi maintindihan ang ikinikilos niya. Hindi ko maiwasan kasi ang umasa.


Naghintay ako ng sagot sa kaniya pero wala akong natanggap.


“So ako lang pala ang tangang umaasa dahil sa kinikilos mo.” Walang emosyon kong sabi habang pinupunasan ang butil ng luhang tumutulo galing sa mga mata ko.


“Wala naman akong ibig sabihin sa-


“Ako lang naman ang tangang nag-expect na may ibig sabihin ang pagiging sweet mo sa akin.”


“Sige isipin mo kung ano ang gusto mong isipin ni hindi mo man lang ako pinapakinggan.” Yun lang ang huli niyang sinabi bago niya ako iniwan na mag-isa.


“Misty! Halika na!” Napabalik lang ako sa realidad ng tawagin ako ni Misty.


Alam kong kasalanan ko ang pagtatalo naming kagabi dahil hindi ko man lang siya hinayaan na ipaliwanag ang sarili niya.


Hindi kami pinayagan ng Headmaster na gamitin ang aming mga kapagyarihan para lamang sa maliliit na bagay at para sa pansarili lamang. Gagamitin lang daw naming ito kapag nailagay kami sa panganib o kung mayroong kalaban.

Academia Lusitania: Deceived DeceiverWhere stories live. Discover now