Sa buhay ng tao , darating ang mga pagkakataon na maiisipan mong sumuko na lang at wag nang magpatuloy sa buhay . Maaaring isipin mong itigal ang lahat at umupo nalang sa isang tabi. Maaari ding sa hirap ng pinagdadaanan mo , gagawin mo ang lahat kahit pa ang kumapit sa patalim , masulusyonan lang ang problemang iyong dinadala. Isang babaeng handang makipagsapalaran sa dilim , isang babaeng handang gawin ang lahat , mailigtas lang ang minamahal sa buhay . Inyong makikilala sa istoryang ito ang pagkataonakataga sa pangalang "DIVINE".