Chapter I (School Life)

53 0 0
                                    

Lunes nanaman , balik nanaman sa realidad ng buhay , kung saan makikita ko nanaman ulit ang BC na University namin .

-Krrrrrrriiiiinnnggg .

~HANA & JACKIE~

"Jackie , ui bess may assignment ka na ba ?"

"Wala pa Hana eh ,pumasok talaga ako ng maaga para makagawa ng assignment ."

"Ako din yun din dahilan ko para pumasok ng maaga nakakatamad kasi gawin sa bahay"

"Ou nga eh ! Gawain sa School dapat gawain lang sa School"

"Ewan ko sayo Jackie puro ka talaga biro . Nga pala nakita mo na ba si Isabelle?"

"Huh eh , wala pa nga eh , nako malelate nanaman yun panigurado , pustahan pa tayo"

"Mabuti pa pumasok na tayo at gawan nalang din natin sya ng assignment"

"Hay nako ! Kung di lang talaga natin kaibigan yung bruhang yun ewan ko nalang ! "

"Txt mo na nga si Isabelle Jackie , baka malate nanama yun"

"Ok sige Hana , pasalamat ka may balance pa akong piso load!" Habang nagtitxt.

Pumasok na sa klase si Mrs. Corazon na prof. nila sa Filipino at nag umpisang magturo .

~ ISABELLE ~

"Pusa naman ou ! Isabelle ang saya ng buhay mo no !? Late ka nanaman , lagot nanaman ako nito " pabulong kong sabi sa sarili ko .

Tinanggal ko na yung takong kong sapatos at tumakbo ako ng nakapaa.

"Ate Excuuuussseeee !!!" Sigaw ko habang bitbit ko ang napakadaming papel na nakasukbit sa kanang kamay ko at bibit ko nmn yung sapatos ko sa kaliwa.

Habang tumatakbo ako sa hallway biglang ...

"WATCH IT GIRL !! ARE YOU BLIND !!!??? " sigaw sakin ng isa sa tatlong nakabanggaan ko.

Bigla akong kinabahan , banggain ko na ang lahat wag lang sila . Kilala silang tatlo sa buong school , lalo na si Cristle Montenegro na anak ng presidente ng school namismong nabangga ko. Maganda sya , short hair , mataray look na kilay , at fair na makeup sa muka basta nakakainggit ang muka nya artistahin. Kaya di nakakapagtaka na madamingnagliligaw sa kanya .

"Sorry po Ms. Montenegro !" Sabay takbo ako ng mabilis sa hallway .

"YOU BIIIITCH!"

papahina ang boses nya dahil mabilis akong tumako palayo sa kanya dahil ayaw kong malate. Basta ang pagkakarinig ko , muka daw akong witch , siguro dahil hagard na hagard na ako , mapagbiro talaga yung si Cristle.

Habang tumatakbo ako , may nakabanggaan nanaman ako nahulog at nagkalat sa lapag yung mga nakasukbit na gamit sa kamay ko . (ang swerte ng araw ko diba?) Bigla akong bumaba at iyinuko ang ulo para pulutin ko ang mga gamit ko.

"Miss ako na ang pupulot." Sabay tanggal sa earphone nya.

Ang pogi ng boses ! Parang DJ sa radyo yung narinig ko , nakakapangakit boses nya , yung feeling na mapapatulala ka dahil sa pogi ng boses nya , talo nya pa yung mga singer na magagaling kumanta sa pogi ng boses , partida 5 words lang yung sinabi nya. Basta parang malaanghel na boses yung narinig ko . Sana naman hindi lng boses ang pogi sa kanya pati din yung muka . Unti-unti kong sinilip yung muka nya. Naka upo at nakayuko kami nun para pulutin yung mga gamit ko , nakasuot sya ng black Vans shoes na may puti sa ilalim , naka black skinny jeans at naka black V-neck tshirt sya na fit sa maskulado nya katawan , at may nakapatong na black leathered jacket sa kanang braso nya nanagpapaastig lalo sa look nya. May nakasuksok din na black earphone sa tenga nya . Hindi naman ata halatang mahilig sya sa black diba ? Nung pagtingin ko sa muka nya , ay sheeet ang pogiiii nya , light brown ang mata na umaakit sakin , matangos ang ilong , makinis , maputi at artistahin ang balat , makapal na mga kilay na maslalong nag papogi sa kanya at malarosas na labi . Medyo golden brown na ewan yung buhok nya , tingin ko may lahi sya na ewan ! Basta ang pogi pogi nya . Dinaig nya pa si Daniel Padilla sa kagwapuhan .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DIVINEWhere stories live. Discover now