Natigib sa paghihiganti ang puso ng farmer na si Pablo nang mapadpad sa bayan ng La Soledad ang dalagang anak ni Mayor Alfonso. Naglayas si Karen at nakiusap na manuluyan sa munti niyang tahanan. Hindi lamang ipinaalala ng magandang dilag ang rason ng pagkamuhi niya sa alta sosyedad at sa pamilya nito. Labis din ang kanyang pangamba na tuluyang mahulog kay Karen na maliban sa langit ang agwat ng estado sa kanya'y nakatakda na ring ikasal sa mayamang negosyante at may-ari ng mining corporation na tinutuligsa ng bayan ng La Soledad. For him, Karen was an enemy - isang malaking alas laban sa mga Alfonso at sa korporasyon. Isang alas na tila ayaw na niyang isugal sa paglipas ng mga araw, bagkus ay nais na niyang protektahan.