Dalawang nilalang ang nag-iibigan kahit namamagitan man sa kanila ang langit at lupa. Isang mahirap na dalaga si Roselle na pilit ginagawa ang lahat para sa kanyang pamilya. No'ng nagsimulang mamatay ang kanyang ina ay siya na ang humalili nito sa paghahanap ng paraan para kumayod. Sa bawat oras ng kanyang paghihirap ay lagi niyang makatagpo ang lalaking nangangalang si Jude. Isang galanteng binata na magbabago ng kanyang buhay. Ang tanong mababago ba niya ang binata o sadyang patuloy ito sa kanyang nakasanayan? May pag-asa ba sa dalawang taong nagmamahalan kung tutol naman ang kalangitan? Mababago kaya ng dalawa ang kanilang tadhana?