Bata man si Aldo ngunit siya ang Itinakda. Hindi niya pwedeng talikuran ang kanyang misyon. Hindi niya maaaring iwasan ang kanyang tadhana. Sa kamay niya nakasalalay ang kinabukasan ng Dyantu. Nagsimula nang magkatotoo ang propesiya. Kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili para sa isang malaking misyon-- ang talunin ang prinsipe ng Abyas at iligtas ang mamamayan ng Kaharian mula sa kapahamakan. Sapat ba ang kanyang lakas, tapang, at pananampalataya?
4 parts