Kinakailangan ni Amante na mag-abroad dahil na rin 'di sapat ang kinikita niya sa pagiging taxi driver. Gusto niyang umunlad ang pamumuhay ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang nag-iisang anak na si Ciaran. Ngunit mag-iiba ang ihip ng desisyon ni Amante sa pagpasok niya sa pamilyang Gerronimo. Ang bawat lihim ni Amante ay nakakapaso kung aalamin mo. Gagawin ni Amante ang lahat para sa kanyang pamilya. Isang ulirang ama at mapagmahal na asawa siya si Amante Esguerra.