Ang Lihim Ni Amante
Chapter 1
"Amante, sigurado ka na ba sa desisyon mo na iyan?" pag-aalalang tanong ni Dorothy.
Nabigla si Dorothy sa sinabi ng kanyang asawang si Amante kanina. Akala niya ay nagbibiro lang ito dahil alam naman niyang likas ito pala biro.
Sa pagdating ng asawa ni Dorothy na si Amante kanina galing sa trabaho nito ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kanya. Muntikan pa siya mapasigaw dahil sa gulat. Akala niya ay kung sino na nakapasok sa loob ng kanilang bahay.
'Di alam ng magandang babae na nakauwi na pala ang kanyang asawa. Kadalasan kasi ay gabi na itong umuuwi. Kanina ay abala siya sa pagtutupi ng mga gamit na nilabhan niya kaninang umaga. At 'di nga niya namalayan na nasa likuran pala na niya ang kanyang guwapong asawang si Amante.
Naramdaman na lang ni Dorothy na may dalawang kamay na yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. At sa pagtingin niya ay isang nakangising matipunong lalaki ang nakayakap sa kanya.
Agad na kinamusta ng magandang babae ang kanyang asawang si Amante at imbes na sagutin nito ang kanyang pangangamusta ay nagulat siya sa pinakita nito.
Napakunot noo si Dorothy sa pinakita ni Amante at agad niyang tinanong ito kung bakit ito meron passport?
"Honey, matagal ko na pinag-isipan ito. At hindi naman ito para sa akin kundi para sa inyo ang gagawin kong ito," ngiting sabi ni Amante.
Kahit na pagod ang makisig na lalaking si Amante galing sa trabaho nito bilang taxi driver ay napawi agad ang kanyang pagod ng makita at mayakap niya ang kanyang asawang si Dorothy.
Sabik na sabik si Amante na umuwi para ibalita sa napakagandang asawa niya na si Dorothy na nakuha na niya ang kanyang passport. Napangisi na lang siya ng makita ang gulat na reaksyon nito.
Inilihim ng makisig na lalaki ang paglakad niya sa passport niya dahil gusto niya itong supresahin. Hindi naman nabigo si Amante dahil nakita naman niya ang reaksyon ni Dorothy.
Sinabi agad ni Amante sa asawa niya na balak niyang mag-abroad. Para na rin ito sa kinabukasan ng kanilang anak na si Ciaran na limang taong gulang na.
Sa ilang taon na pagtratrabaho ng makisig na lalaking si Amante bilang isang taxi driver ay hindi sapat ang kinikita niya. Minsan sapat na sapat lang ang nauuwi niyang pera. Minsan ay kailangan pa niyang umutang sa mga kaibigan niya dahil kulang na kulang ang nauuwi niyang pera.
Matagal na naiisip ni Amante na magtrabaho sa ibang bansa dahil alam niyang malaki ang kikitain niyang pera roon.
Nakangiting umupo ang makisig na lalaking si Amante sa tabi ng kanyang asawa at napakunot noo siya ng makita ang kalungkutan sa maganda at maamong mukha nito.
"H-honey, b-bakit ka malungkot?" kunot noo tanong ni Amante.
"Amante, kailangan pa ba na m-mag-abroad ka? Nakakaraos naman tayo sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay." sabi ni Dorothy.
Aaminin ni Dorothy sa kanyang sarili na bigla siyang nalungkot sa sinabi ng kanyang asawa na si Amante. Matagal na nilang napapag-usapan na aalis ito ng bansa para na rin kumita ng mas malaking pera.
Pero aminado ang magandang babae na hindi sapat ang kinikita ng makisig na asawa niya. May pagkakataon na 'di sapat ang kita ng asawa niya at minsa ay nakikipaglabada na lang muna siya para magkaroon ng extrang kita.
Kapag pinag-uusapan nilang mag-asawa ang pag-aabroad nito ay 'di niya maiwasan na malungkot. Nalulumbay si Dorothy dahil naiisip niya na mapapalayo sa kanila si Amante.
YOU ARE READING
Ang Lihim Ni Amante
RomanceKinakailangan ni Amante na mag-abroad dahil na rin 'di sapat ang kinikita niya sa pagiging taxi driver. Gusto niyang umunlad ang pamumuhay ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang nag-iisang anak na si Ciaran. Ngunit mag-iiba ang ihip ng desisyon ni...
