BLURB Upang pahilumin ang puso, lumabas ng bansa si Alex matapos siyang pagtaksilan ng kaniyang kababatang kasintahan at pinsan, at dahil sa pamimilit ng kaniyang pamilya, kinailangan niyang makipagkasundo sa isang estranghero. Nakipagkasundo siya sa isang babae na nakikilala niya lamang sa isang kondisyon na maging mag-asawa sila sa papel. Samantala, kailangan naman ni Diane ng pera na nagtulak sa kaniya upang tanggapin ang kasunduan nang hindi niya masyadong pinag-isipan. Sino ba ang hindi? Pakakasalan niya lang naman ang lalaki kapalit ng limpak na pera, higit pa noong isa lamang siyag cashier. Ilang oras pa lang simula noong magkakilala sila, mag-asawa na sina Diane at Alex. Nagsisikap na mapunan ang kaniyang responsibilidad, hanggang kailan si Diane mananatili sa lalaki? Will their reel marriage turn into a real marriage? And if it does, what happens if a big blast blow everything apart?