Ang dalawang tao na parehong inilihim sa bawat isa ang kanilang tunay na nararamdaman. Sa kagustuhan ni Girl na makamove on kahit walang sila, napilitan siyang umamin kay Boy dahil naniniwala siya sa sinasabi ng iba na, "The more you hide your feelings for someone, the more you fall for them.". Mananatili pa rin ba ang friendship nila after confession? Or back to strangers? May pag-asa pa ba na magkatuluyan ang dalawang tao na parehong iniisip na hindi sila karapatdapat para sa isa't isa sa magkaibang sitwasyon? Paano kaya kung pareho na silang bumitaw at umayaw pero pilit na pinagtatagpo ng tadhana ang kanilang mga landas? Dapat ba nilang sundin ang kanilang isip? O ang sinasabi ng kanilang damdamin?