May maalamat na grupong kilala bilang Orion Squad, binubuo ng ilang makapangyarihang miyembro na may talentong gumamit ng mahiwagang sandata. Tungkulin nilang sundin ang binabang utos sa kanila at protektahan ang lahat na mamamayan sa bawat kaharian, subalit nang matuklasan ng pinuno ang hindi kapanipaniwalang katotohanan ay tumiwalag siya kasama ang kaniyang grupo sa samahang kinabibilangan at bumuo ng panibago. Tinukoy at pinabagsak nila ang mga totoong kalaban, subalit magmula noon ay nakilala ang samahan nila bilang mga kriminal na pumapatay ng mga mamamayan sa bawat kaharian ng Light Kingdom. Saviours Series: 1