Isang diyosa ng katapangan ang ngayon hinamon ng sangkatauhan. Kung saan isang misyon sa kaniya ay nakaatang. Misyong magmasid at magmanman sa mundo ng mga tao, upang alamin kung paano itrato ng mga kalalakihan ang kababaihan. Kung sila ba ay parurusahan o gagantimpalaan. Nagbalat kayo bilang isang simpleng babae ngunit nagtataglay ng angking kagandahan kahit ang kanang mata ay puno ng kadiliman. Kasama ng liwanag ng buwan susuungin niya ang mundong puno ng kasamaan, at kasakiman. Makakahanap nga kaya sita ng lalaking may mataas na respeto sa mga kababaihan o siya lamang ay masasawi kasama ng ningning ng kaniyang sinag ng buwan?
4 parts