Huling sinag ng buwan

8 4 0
                                    

Lumipas muli ang apat na buwan na nasa poder si Mayari ni Aegaeon ang binatang pinakiusapan niya para sa panandalian niyang titirahan. Sa lumipas na mga buwan ay unti-unting nahulog ang loob ni Mayari kay Aegaeon ganoon din naman ang binata.

Ilang beses nang binalaan ni Vaela ang Diyosang si Mayari tungkol sa bawal na pakikipagrelasyon sa mortal subalit hindi nakinig si Mayari.

Sa loob din ng mga buwang iyon ay natagpuan niya ang matandang Olbana ang akala niyang pagasa niya ay naburang parang bula. Sapagkat permanente na daw ang pagkawala ng isa niyang paningin at magiging parte na ng kaniyang buhay.

Sa halip na magmukmok, pinili niyang mging masaya kasama si Aegaeon, subalit mukhang hindi nga niya talaga matatakasan ang kaniyang sekreto dahil isang araw ay namalayan na lamang niyang naidawit na pala niya si Aegaeon sa kaniyang laban.

Laban sa pagitan niya at ng kapatid na si Apolaki.

Isang gabi habang nagmamadali siyang lumisan pabalik ng kaharian dahil sa nababalitang muli na namang nangugulo ang kaniyang kapatid ay bigla na lamang sumulpot si Aegaeon sa harap niya at nakatitig sa kaniya ng may bahid na pagkadismaya.

"Akala ko ay lubos lamang ang pagod ko sa trabaho kaya nagiimbento ang utak ko sa tuwing nakikita kitang palihim na lumalabas sa gabi at magugulat na lamang akong biglang bumababa ang buwan upang ika'y pasakayin, subalit totoo pala talaga ang lahat."

"Aegaeon..."

"Diyosa Mayari! Wala na tayong oras lubos na nagkakagulo na sa kaharian!" boses iyon ni Vaela na nagkatawang tao upang balaan ng mabilis si Mayari.

Hindi makapamili si Mayari kung ano nga ba ang kaniyang uunahin kung ang dismayadong mukha ba ng kasintahan o ang kaharian.

Pero sa huli piniling iwan ni Mayari ang minamahal niya kahit na masakit upang maibalik sa ayos ang kahariang pinaghirapan ng kaniyang amang Bathala.

Lumuluhang nakarating si Mayari sa kaharian, hindi pa man siya nakakapagpahinga heto at sinalubong na siya ng apoy ng kaniyang jaoatid na si Apolaki. Dahil na rin sa sakit na naramdaman walang pakundangan niyang inatake ang kapatid gamit ang asul niyang apoy.

Wala na siyang pakielam kung masaktan niya ang sinuman nais na lamang niyang mawala ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso.

"Ate!" bago pa man makalingon si Mayari ay huli na ang lahat dahil ang dapat na atakeng tatama kay Mayari ay sinalag ni Tala dahil doon ay bumulusok si Tala paibaba kung saan ang kalupaan ng mga tao ang naghihintay sa mahina nitong katawan.

Halos tila naging isang napakalaking sampal ito kay Apolaki na ngayon ay pilit nagpupumigalas sa mga kawal habang iniisip na masasagip pa niya si Tala ngunit huli na ang lahat, ang pagtamlay ng bituin sa langit ay isa nang indikasyon wala na ang tagapangalaga nito.

Napaluhod na lamang si Mayari sa lahat ng nangyari, nagsisisi na siya'y nagpadala sa bugso ng damdamin. Isang kamay ang nagbigay init sa kaniya sa pamamagitan ng isang yakap, walang iba kung hindi si Aegaeon. Gulat na tiningnan ito ni Mayari.

"Ipinuslit ako ni Vaela, ipinaliwanag niya ang lahat sa akin, ngayon masasabi kong tunay ngang mandirigma ang mahal ko."

Sa sinabing iyon ni Aegaeon ay muling napaluha si Mayari hindi sa sakit kung hindi dahil sa tuwa.

"Mayari nawa'y ako ay inyong mapatawad hindi ko sinasadya, ngayon alam ko na ang mga pagkakamali ko sana ay inyo akong mapatawad." Nakaluhod na wika ni Apolaki sa harap ng marami.

"Matagal na kitang napatawad kuya, alam kong nasilaw ka lamang ng posisyon pero alam kung ikaw pa din ang kuya ko na laging pumoprotekta sa akin."

"Mayari... gagawin lahat ni Kuya maibalik lamang si Tala ipapangako kong kumpleto tayong magkakapatid bago pa man magbitaw ng hatol si ama kung sino ang hihirangin bagong batha ng Oeillan."

Sa araw na iyon napagpasyahang si Apolaki ang hahawak sa araw at si Mayari naman sa buwan na kahit bahagya lamang ang sinag ay magsisilbing gabay pa din sa sangkatauhan. Si Mayari at Aegaeon magkaiba man ang komposisyon ay hindi na tinutulan ng karamihan sapagkat ngayon lamang nakita ng buong kaharian kung gaano kasaya ang diyosa ng buwan.

Diyosa man o engkanto kapag napana ni Kupido wala nang makakapigil pa sa mga puso nito.

The Other Half Of Luna (Completed)Where stories live. Discover now