Unang sinag ng buwan

16 5 0
                                    

Sa kaharian ng Oeillan ay naninirihan ang mga diyos at diyosa kabilang na ang tatlong demigod. Ang tagapangalaga ng buwan, araw at mga bituin. Masaya ang pamumuhay ng kanilang kaharian, subalit dahil sa gulong idinulot ng anak ng tinaguriang Bathala ng lahat, ay hindi naging balanse ang takbo ng lahat.

Nawalan ng pokus ang mga diyos sa obligasyon nilang pagbabantay sa sangkatauhan dahil sa gulong naidulot ni Apolaki, ang kapatid ni Mayari at anak ng Bathala.

Simula ng ianunsiyo ng bathala na sinisimulan na niyang piliin kung sino ang susunod na mamumuno ay nagbago bigla ang ugali ni Apolaki, ito'y naging sakim at mapaghangad.

Minsan nang naglaban ang magkapatid subalit sa angking lakas ni Apolaki ay napuruhan nito ang isang mata ni Mayari, kung kaya't naghahating liwanag at kadiliman ang siyang naging paningin ni Mayari.

Dahil sa kapabayaan ay naatasan ang bawat kabahagi ng kaharian ng isang misyon. Kapalit ng ilang mga gantimpala.

Sa kanaisang maibalik ang dating sigla ng ningning ng mga mata. Napagpasyahang sumali ni Mayari sapagkat kaniyang napagalamang nasa mundo ng mga tao naninirahan ang matandang Olbana, ang matandang ilang dekada ng manggagamot sa kanilang kaharian.

"Mayari, lubos na mapanganib ang iyong nais, hindi ko ito mapahihintulutan!" puno ng pagtutol na wika ng Bathala.

"Ngunit ama, nais kong maibalik ang aking paningin! Nais kong matikman muli ng aking nasasakupan ang tunay na ningning ng mahal kong buwan! Ama pahintulutan na ninyo ako" halos magmakaawa na ang dalaga ngunit buo na ang desisyon ng Bathala.

Bigo kumbinsihin ni Mayari ang ama kaya tanging pagtangis na lamang ang kaniyang nagawa. Pilit namang pinatatahan ni Hana at Tala ang kanilang kapatid.

"Kung desidido ka na talaga, hayaan mong tulungan ka naming kumbinsihin ang Bathala," puno ng kasiguraduhang wika ni Hana na sinang ayunan naman ni Tala

"Salamat," may ngiti sa labing wika ni Mayari.

"Ano pa at naging kapatid mo kami hindi ba? Tungkulin ng bawat isa sa atin na pangalagaan at pasayahin ang isat-isa."

Walang nagawa ang Bathala kaya pumayag na siya ng ang tatlong anak na niya ang kumausap sa kaniya.

Nang dumating ang araw nang nasabing pagbaba ng mga diyos at diyosa sa kalupaan ay labis na naghinagpis ang Bathala.

"Hindi ko na ba talaga mababago ang iyong pasya, anak?" natatawa na lamang ang tatlo sapagkat tila isang sanggol kung umasta ang kanilang ama.

"Ama, babalik din naman ako parang doon naman na ako magtitira." Naiiling na wika ni Mayari sa ama.

"Magiingat ka ha," huling paalam ni Hana at Tala bago tumalikod ang dalaga at simulang harapin ang pinili niyang tahakin landas.

'Nawa'y ang misyong ito ay aking mapagtagumpayan.' aniya sa kaniyang sarili.

At doon inumpisahan ng babaeng may mga asul na mata at buhok na nagniningning sa kadiliman ng gabi ang naghihintay sa kaniyang bukas.

Siya ang diyosa ng buwan at ang naatasang magmanman sa mundo ng mga tao, upang magbigay gantimpala sa mga lalaking may malaking respeto sa kababaihan at matinding parusa naman para sa mga lalaking walang paggalang sa kababaihan.

'Diyosa Mayari, kayo'y magiingat sa naatang na misyon sa inyo. Hangad ko ang katagumpayan ng iyong tatahaking mga landas,' wika ni Vaela sa pamamagitan ng komunikasyon nila sa kanilang isipan.

'Hindi mo kailangang magalala Valea, ako'y lubos na magi-ingat. Nawa'y bantayan at gabayan mo ang kaharian ng Oeillan para sa akin.'

'Makakaasa ka, Diyosa Mayari.'

Matapos ang naging usapan ng dalawa ay nagpatuloy sa misyon si Mayari. Unang lugar na naparoonan niya ay payapa at puno ng mga luntiang halaman.

Bago pasukin ang lugar ay nag-anyong tao si Mayari. Ang mahaba at makintab nitong asul na buhok ay napalitan ng abuhing kulay kasabay ng pagikli nito. Ang simbolong nakaukit sa kaniyang noo ay pansamantala niyang inalis. Ang mahaba at napakagandang bistida niya ay naging simpleng damit na naayon sa pananamit ng mga tao.

Sa unang pagtapak niya sa lugar ay doon na rin ang simula ng pag-daloy ng kaniyang mga pagsubok na kahaharapin.

The Other Half Of Luna (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora