Ikalawang sinag ng buwan

9 4 0
                                    

Nang tumuntong si Mayari sa lugar kung saan sakahan at bukirin ang ikinabubuhay ng mga tao ay malugod siyang pinatuloy ng mamamayan nito.

Gulat si Mayari sapagkat hindi niya inaasahang ang mga ito. Ang pananaw  niya kasi sa mga tao ay naimpluwensiyahan na ng kasakiman at kasamaan ang lahat.

Masaya siya sa lugar ngunit hindi pa rin niya kinalimutan ang misyon niya, sa katunayan ay may ilan na din siyang naparusahan ngunit mas lamang ang kaniyang nagantimpalaan.

Ilang buwan na ang lumipas at nais nang maibalik ni Mayari ang ningning ng buwan.

Kaya pinalipas muna niya ang ilang linggo bago napagpasyahang lumuwas ng siyudad, kung saan sigurado siyang mahahanap na niya ang matandang Olbana.

Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman makikipagsapalaran si Mayari sa isang lugar na sa ikalawang pagkakataon ay bago sa kaniya. Puno ng pagbabakasakaling sa lugar na iyon ay matagumpay na niyang matatagpuan ang kaniyang pag-asa.

Sakay ng kaniyang buwan ay narating niya ang siyudad. Labis na pangamba ang namuo sa kalooban niya sapagkat ibang-iba ito sa bario. Napakagulo sa lugar na tinatawag nilang siyudad, nagkalat ang mga sasakyan at masyadong punong-puno ng mga ingay hindi tulad sa bario na tanging trycicle at bisekleta lamang ang makikita.

'Sa lugar na ito alam kong matatagpuan ko ang matandang Olbana at sa lugar ding ito alam kong magtatapos ang misyon ko.' wika ni Mayari sa isipan.

Muli ay ibinalik ni Mayari ang anyong tao  nito upang harapin ang bago na namang mundong gagalawan niya.

Sa bawat minuto na inilalagi ni Mayari sa lugar ay aabot na ata sa limang daan ang naparurusahan niya at bilang lamang sa mga daliri niya ang mga kalalakihang nagagantimpalaan.

'Sa muling bagong lugar na iyong gagalawan Diyosa Mayari, nais kong taglayin mo ang ibayong pagiingat, sapagkat nagsisimula na namang maglabasan ang mga bruha.'

'Bruha? Ang ibig sabihin mo muli na namang umaatake ang mga mangkukulam, Vaela?!'

'Ganoon na nga Diyosa, sa aming palagay isa sa ating Diyos o Diyosa ang tumutulong sa kanila.'

'Hindi ba si Apolaki?'

'Sa kabutihang palad hindi pa naman ganoon kinain ng kasamaan ang inyong kapatid para sumapi sa mga bruha.'

Nakahinga naman ng malalim si Mayari, ang pagkakaroon ng koneksiyon sa mga bruha ay lubos na mapanganib, sapagkat sila ay mga tusong nilalang.

Dahil sa malalim na pagiisip ay hindi napansin ni Mayari ang sasakyang papabulusok sa kaniya mabuti na lamang at nakaiwas siya, subalit labis na takot ang nadama niya. Ilang laban na ang ipinanalo niya ng walang takot na nadama, subalit sa simpleng makinang naimbento ng tao doon pa siya nakaramdam ng takot.

Sa halip na sa mas maliwanag na sa kalsada dumaan sa eskinita na lamang siya dumaan, mabuti na lamang ay sanay siya sa dilim dahil na rin sa isa niyang mga mata.

Panay linga ang ginawa ni Mayari upang magmasid sa paligid sapagkat kung totoo ngang nagbalik na naman ang mga bruha tiyak niyang alam ng mga ito na may mga diyosa sa kalupaan.

Sa sobrang pagmamasid ay hindi na nakita ni Mayari na makakasalubong niya ang isang binatang halata ang pagod sa kabuuan ng mukha nito.

"Ouch," daing ng binata.

"Pasensiya n—" hindi na nagawang tapusin ni Mayari ang kaniyang sasabihin sapagkat mabilis siyang nabihag ng mga mata nito. Naalala niya kung gaano kaliwanag ang ningning ng buwan sa mga mata ng binata.

Bago pa man makapagsalita ang binata ay inunahan na siya ni Mayari.

"Ginoo kung maari ay pwede mo ba akong patuluyin sa iyong bahay? Ako ay hindi tagarito at naliligaw. Iyon ay kung maaari lamang."

"Ha?!"

"Sana ay pagbigyan mo ang aking pabor, alam kong ako'y nakaiistorbo na sa iyo subalit desperada na akong makahanap ng matutuluyan," puno ng pagsasamong wika ni Mayari sa binata na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin kay Mayari.

Ito ang unang beses niyang nakaenkwentro ng ganitong klase ng babae sa kasamaang palad ang binata ay lubos nang pagod mula sa trabaho kaya wala siyang nagawa kung hindi patuluyin si Mayari dahil na rin sa angking taglay na kakulitan at kapursigihan nito.

The Other Half Of Luna (Completed)Where stories live. Discover now