'Di niya alintana ang kung anumang ingay sa labas ng kaniyang silid. Ni minsan ay hindi siya nadistorbo ng mga kapitbahay na nagiingay sa pagsisiyahan. Ngunit, paano kung ang ingay ay siyang kakailanganin niyang marinig upang makaligtas? Paano siya maliligtas kung ni isang tunog ay 'di niya marinig?