Chapter 1

6 0 0
                                    

Venn

            TIRIK na tirik ang araw at halos basa na lahat ng side ng panyo ko. Mantika nalang ata ang kulang at mala-crispy pata na ang lutong ng balat ko sa init na 'to. Idagdag pa ang pagod na parang nagmarathon dala ng init at haba ng linya kanina. Wala na akong laway na malunok at pinapalala pa ng amoy nang egg fried rice nang karinderyang nasa likod ko ang gutom ko. 

Amoy ko lahat, ang itlog, roasted garlic, toyo, giniling... Tama na nga! Lalo lang akong ginugutom ng mga iniisip ko, e. Nag-iipon pa naman ako ngayon kaya noodles lang ang afford ko. Liningon ko ang orasan ng karinderya. Sampung minuto bago mag-ala una, at hindi pa'ko nakakakain. Buti nalang nang humarap ako ulit sa kalsada ay may pumaradang motorsiklo. 

"Dominguez-Cruz Apartment po magkano?" tanong ko sa driver. 

'Kinse lang, hija!' wari ko'y sagot niya kaya tumango ako at sumakay na.

Bachelor of Arts in Music Theory, pagbasa ko sa nakalagay sa enrollment form na nasa loob ng plastic envelope habang nakasakay. Kung anu-ano pa ang naisip ko at hindi ko na namalayan na malapit na pala kami sa apartment. Nang paliko na ang motorsiklong sinasakyan, ko namataan ko si Aling Tiyang sa Palawan Express. Wala na muna siguro akong pambili ng hearing aid dahil mukhang singilan na naman para may maipambayad ang ale sa utilities ng apartment.

Ilang liko pa at nakarating na ang motorsiklo sa tapat ng apartment. Agad akong bumaba at pumasok sa apartment building pagkababa ko sa motorsiklo dahil marami pa akong planong gawin gaya nang pagkain bago mahimatay sa gutom. 

Tinungo ko ang elevator, nang bumukas ito ay nakasabay ko sa pagpasok ang isang lalaki na may kakaibang aura, naka-dress shirt at dress pants na parehong ashy black at blazer na ivory black, specs, at chelsea boots. Hindi naman ang pananamit niya ang dahilan ng kaniyang kakaibang aura, sadyang ang vibe niya ay medyo intimidating. Kahit mag-pink pa siya ngayon ay iyon ang iisipin ko, 'yun bang parang yung presensya niya ay kayang ibahin ang ambience ng isang lugar na masigla? Gan'on nga. 

Nakita kong bahagya siyang napapitlag nang mapansin ako ngunit binalewala ko na iyon at pinindot ang numero ng floor ko. Napansin kong nasa baba lang pala ng floor ko ang floor niya, F15 siya at ako naman ay F16. Nang bumukas na ang elevator, yumuko siya para kunin ang panyo na nahulog ata niya. Teka, ba't bigla niyang inabot sa'kin? 

'Sa'yo ata 'to, miss,' tingin kong sabi niya sa pagbuka nang bibig niya. By instinct, tinanggap ko ang panyo.

"Teka sandali-" ibabalik ko sana ngunit dumiretso na siya nang lakad. Iiwan ko na sana sa isang tabi ang panyo dahil baka naman sa ibang tao iyon nang mapansin ko ang nakaburda sa panyo,

 'I'm rooting for you, 6031.'  Sino naman si 6031? Pangalan ba talaga 'yon o kaya code name lang? Gagi, naalala ko tuloy yung anime na nasa orphanage kuno sila tapos hindi nila alam na kakainin lang pala sila ng mga 'demon' kaya may mga number sila sa leeg na parang sa mga farm animals. 

Bumukas na ang pinto kaya lumabas na ako at tinungo ang room ko. Napansin ko ang pagkapareho ng room number ko sa nasa panyo, 631 kasi ang room number ko. Hindi kaya para sa akin talaga ito? Ano naman ang ibig-sabihin nung lalaking 'yon dito? Kinuha ko ang card ko at itinapat sa scanner para buksan ang pinto at pumasok. Sumalampak ang bag at envelope sa sahig nang patapon ko itong binagsak sa sahig dala ng pagod. Hindi ko na minamaya pa ang pag-budget ng pera dahil alam kong sa oras na mahawakan ko ang cellphone ko makakalimutan ko na 'to.  

Nakahugas na 'ko ng pinggan at lahat ngunit walang Aling Tiyang ang nag-text na papunta na siya. Nag-half bath ako at nagdesisyon na matulog nalang at baka bukas na pumunta rito ang ale. 

-------------

        UNTI-UNTI akong napadilat dahil sa kumukurap na ilaw. Nakakainis naman oh, kung kailan mahimbing na ang tulog tsaka ako magigising. Binalewala ko iyon dahil antok na antok pa talaga ako at pakiramdam ko'y matutumba lang ako kapag tumayo ako para asikasuhin 'yon kaya humiga ako sa tiyan ko at tinalukbong ang kumot. Ngunit ayaw yata talaga akong patulugin ng mga ilaw dahil kahit nakapikit at nakatalukbong pa 'ko naaninag ko ang pagdilim at pagliwanag nang paligid ko. Sumasakit na ang sentido ko dahil sa inis at paulit-ulit na pagkurap ng ilaw kaya binalikwas ko ang kumot at padabog na tumihaya.

Alam kong na-off ko ang ilaw kanina dahil hindi naman ako makakatulog kung bukas 'yon kaya bakit nagpapatay-sindi ito? Napatulala na lang ako sa ilaw dahil kahit gising na ay ayaw ko pang bumangon. Teka, ba't parang may pattern? Shuta, morse code ba 'to?! Nung naisip ko 'yon nag-focus na ako at inobserbahan ko ang pagkurap ng ilaw. Sisindi...mamamatay...tapos sisindi ulit pero mas mahaba... A-P-O-C-A-L-Y-P-S-E

Tumayo ako para patayin ang ilaw ngunit nang pinindot ko ang switch ay ayaw nito mag-off, inulit ko ito hanggang sa nainis ako at hinampas ang switch. Bahay ko 'to! Switch ko 'to! Ako ang masusunod, wala akong pake sa code-code na 'yan!

"Shuta ka!!!" sigaw ko nang biglang naging red ang ilaw at ibang code na naman ang binigay nito.

B-E-A-L-E-R-T

"Ano bang gagawin ko..." Natatarantang sabi ko sa sarili at tumungo sa may pintuan para silipin ang labas. Dahan-dahan ini-slide pataas ang takip ng peephole nang nanginginig kong mga kamay. Wala akong nakitang kaguluhan ngunit nanginginig ako dahil ang mga gilid ng peephole ay natatabunan ng pulang likido na pa-itim na dala nang uti-unting pagkatuyo. 

May apocalypse na ba talaga? Anong klase? Zombie apocalypse? Alien invasion? Yawa ano ba kasi 'yan?! Edi lumabas ka, sabi nang voice inside my head. Kaso bakit ko naman gagawin 'yun kung alam kong maaari akong mamamatay 'di ba? May apocalypse man talaga o wala, wala na ko don. basta't hindi na lang ako lalabas hanggang sa wala akong nakikitang buhay at safe na mga tao sa labas. Naglakad ako papunta sa pantry para bilangin ang mga pagkain at napagtanto kong kasya ito nang mga tatlong araw. Hindi rin naman siguro magtatagal ang kung ano mang nangyayari, 'di ba?

-----------

        IKATLONG araw na na hindi ako lumalabas. Ikatlong araw na rin nang pagbasa ko nang mga hindi ko naman talaga hilig na genre ng libro dahil wala na akong ibang mapaglibangan. Bakit? Wala nang signal. Malala na nga talaga ang nangyayari sa labas. Mas nadagdagan pa ang rason para hindi ako lumabas. 

Ang pang tatlong araw kong supply ay ginawa kong ang anim hanggang sampung araw. Alam ko kasing matatagalan pa 'to kaya naman kinontian ko ang pagkonsumo ng mga pagkain. Habang nakatulala ako sa kisame at nasa dibdib ko ang nakabuklat na Art of War by Sun Tzu, biglang kumurap ang ilaw. A-T-T-E-N-T-I-O-N sabi nito at sinundan nang D-O-O-R-W-A-Y.  Sa pagtataka ko ay pumunta ako sa may pintuan. 

Laking gulat ko na lang nung biglang nag-ting! ang pinto at kusang bumukas habang ang tile na kinatatayuan ko naman nag-lift at umabante palabas "Hoy! Ano na naman 'to!!!" sigaw ko nang biglang sumirado ang pinto nang tuluyan na akong makalabas.Sinubukan kong buksan kahit alam kong na-lock na 'yon dahil tumunog 'yon. Pero sino ba namang gustong manatili sa labas sa ganitong sitwasyon 'di ba? Nawiwindang pa ako sa mga nangyayari nang napansin ko ang isang sports bag sa gilid ko na may nakasulat na, 

Everything you need for the real challenge, 6031. 

To be continued...

      




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FlickerWhere stories live. Discover now