"Kuya, wag mo akong iwan ha, hindi ko alam kung kaya ko kung iiwan mo ako." "Wag na nating isipin yun. Ang importante, naalagaan kita, napag-aaral. Okay na yun, atleast nandito tayo para sa isa't-isa." "Syempre naman, pwede ba yun? Ikaw nalang ang meron ako tapos iiwan pa kita? Hindi pwede yun. Mahal na mahal ko ang kapatid ko para gawin yun." "Yuka...Pagbutihin mo na ang pag-aaral mo. Para rin naman sa kinabukasan mo yan at iwas-iwasan mo na ang masangkot sa away ha. Sige na susunduin kita mamaya." "Sige kuya, i love you." Pero paano kung sa isang kisap mata mawawala na ang taong pinakamamahal niya? Makakayanan pa ba niya? Paano niya papasukin ang mundong puno ng mapagpanggap at pagsubok?