Kelan nga ba natin naturuan ang puso natin? Never diba? Pasaway talaga yang organ na tumitibok dito sa dibdib natin! Kahit anong saway mo, kahit anong pigil mo, hindi yan marunong makinig! Aakalain mo na nga na may sariling itong utak. Yan ang problema kay Jennie. Kahit anong tulak sa kanya ng taong mahal niya konting lambing lang nito, marupok na ulit siya! Puro kasi puso ang pinapagana. Pero paano naman magmamahal ang taong bata palang puro sakit at pighati na ang pinaramdam ng buhay sa kanya? That's Lisa. Kakayanin nga kayang turuang magmahal ng makulit at marupok na Jennie Kim, ang playgirl with a heart of stone na si Lisa? Hmmm...