Sa bagong henerasyon maraming kabataan ang naghahangad ng pagmamahal. Ang iba humihiling pa sa may kapal na sana ay ibigay na ang kanilang hinahangad. Marami ang nagpaubaya para sa taong mahal nila. Masakit isipin na hawak na siya ng iba, pero mas masakit isipin kung hindi mo na siya makikita. "Kapag bumitaw ka, magagalit ako. Hinding-hindi kita mapapatawad, kaya please, lumaban ka kahit konting panahon pa, hanggang sa ako na mismo ang bumitaw sa ating dalawa. Hanggang sa matanggap kong wala na talagang pag-asa," Umiiyak na turan ni Raya habang mahigpit na hawak-hawak ang kamay ni Ivan.