Lahat naman tayo may ups and downs sa buhay. Sino ba naman ang hindi nakaranas nito? Ang mag break down pero patuloy pa rin ang paglaban. Isa si Iris Feria sa mga taong nakaranasan nito simula ng namatay ang nakakatanda nitong kapatid. Minsan niyang kinuwestiyon ang Diyos bakit nga ba iyon nangyayari sa kanya? Bakit nga ba nabubuhay pa siya sa mundo para lang malungkot? Hirap sa pag aaral. Hirap sa pamilya. Halos lahat na yata sinalo niya na. Nung mga panahon na sobrang downniya na may nakilala siyang misteryosong lalaki. Sino nga ba ang lalaking iyon? Mababago ba ang paniniwala ni Iris tungkol sa kaisipan niya sa buhay? O, baka naman isa lang siya sa magiging sanhi ng kanyang patuloy na kalungkutan? Ikaw? Minsan mo na rin bang naitanong sa iyong sarili. Masaya pa bang mabuhay? O pinipilit mo lang sumaya?