Sa gabing dapat pagtulog ang ginagawa, bakit pag-alala sa iyo ang aking inaabala? Simula sa mga panahong tayo'y nagkakilala. Aaminin kong hindi ito puro lamang saya. Sa lungkot ay nagdaan, ngunit hindi kinayang tagalan. Gabi na naman. Minumulto na naman ako ng mga alaalang iniwan mo. Sa panaginip kong ito, magigising pa kaya ako?