Una

31 6 0
                                        

Tulog na tulog na ang lahat, ngunit heto pa rin ako, dilat na dilat.

Napakalakas naman ng epekto mo sa akin, maski pagtulog ay hindi ko na magawa.

Ngunit bakit tila ako'y nananaginip?

Nandirito ka pa raw sa aking tabi. Magkausap tayo, nakatitig lamang sa mata ng isa't isa. Magkahawak pa nga raw tayo ng kamay.

Naalala ko bigla.

Nangyari na ito dati.

Magkasama tayo sa dalampasigan—lugar na paborito kong puntahan na hindi kalauna'y naging paborito mo na rin.

Pinagmamasdan lamang natin ang ganda ng kadiliman ng gabi, habang nakasandal ako sa balikat mo.

Tunog gasgas na naman, ano?

Ngunit wala itong katulad, wala kang katulad. Iyon lamang ang alam ko.

"Nakatitig na naman tayo rito, hindi ba puwedeng 'yong mundo ko naman ang titigan ko?" Tanong mo sa akin habang dahan-dahang lumingon at ako nama'y napabangon.

Mabilis mong kinuha ang aking mga kamay at itinapat iyon sa iyong labi, dahan-dahang idinampi ito sa likod ng aking palad sabay ngiti nang napakalaki.

"Wala nang mas gaganda sa tanawing aking nakikita. " Iyong saad, mabilis akong napayakap sa iyo at may maliit na butil ng tubig na pumatak galing sa mata ko.

Luha ng saya.

"Why are you crying, Love? You shouldn't, you don't deserve it. " Sabay punas sa luhang nasa pisngi ko na.

Tumango na lamang ako sabay ngiti sa iyo.

"You deserve me. Yeah, I know. " Pabiro mong saad. Napasabay na lang ako sa mahina mong tawa habang tahimik na tinititigan ka.

Kay sarap pagmasdan ng mga ngiti mo, masasabi kong iharap man ako sa bilyong mga bituwin, iyong ngiti pa rin ang aking pipiliin.

Mga guhit sa labi mong hindi matatawaran ng anumang bagay na kumikinang.

Marahil hindi ito nakikita ng iba. Ngunit sa mata mo pa lang ay namumutawi ko na. Ramdam na ramdam ko ang galak sa tuwing kasama kita. At alam kong gano'n ka rin.

"Love, what if we're not really meant for each other?" Mabilis ang pagbabago ng iyong ekspresyon. Alam kong hindi mo iyon nagustuhan.

"Why are you asking that way? I mean, aren't you happy anymore? With me?"

"No, hindi sa gano'n. I'm just asking. "

"But love, alam kong alam mong ayaw ko ng mga ganiyang tanong. "

"Why? Let's face the reality. Papaano nga kung hindi tayo para sa isa't isa?" Seryoso kong tanong sa iyo, this time ay nakatitig na ako sa iyong mga mata. Nais ko lang namang malaman ang hinaing mo patungkol dito. Masama ba iyon?

Napahinga ka nang malalim bago ako seryosong tignan.

"I don't want that to happen. Hindi ko kakayanin. "

"But what if—"

"Please, Marel."

Hindi pa rin ako tumigil at nangulit pa rin ako.

"Okay,fine. If that happens, oh I won't let that happen either. I am happy with you, and I guess you're happy with me as well. Hindi ako gagawa ng ikatitigil ng ating tadhana. "

"May kaniya-kaniya naman tayong tadhana, Keith. Maaaring tumigil ang tadhana nating magkasama pero hindi 'yong tadhana nating dalawa. 'Yong pagiging mag-isa. As an individual kumbaga. " Pagkontra ko na mabilis mong ikinakunot ng noo.

"Ikaw ang tadhana ko, ikaw ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ako. Sounds cliché but yeah, that's true. " Napatango lang ako nang ilang beses bago ka muling magsalita dahil alam mong hindi ako satisfied sa iyong sagot.

"I know you're just testing me. I know you so well, Love. Magtiwala ka lang sa akin. Hindi ba't ayon naman talaga ang kailangan?" Tumango akong muli bilang pag sang-ayon. "Kung darating man ang panahong pakiramdam natin ay hindi tayo para sa isa't isa, ipilit natin." Napatawa ako sa iyong saad, sinamaan mo naman ako ng tingin.

"Why?" Natatawa na ako habang ika'y tila napipikon.

"Like you know, ipilit natin. Sabi nga nila tayo ang gumagawa ng tadhana natin hindi ba? Naniniwala ako roon. Kaya kung napapagod ka, ako naman 'yong lalaban. Kung hindi mo maintindihan ang sarili mo, nandito ako para intindihin ka. Basta huwag ka lang bumitaw. Dahil hindi ako makakapayag na hindi ikaw ang makakasama ko sa aking pagtanda. Love, sa iyo na ako nasanay. Ayaw ko nang kumilala pa ng ibang tao. Ikaw na 'yong gusto kong makasama, after ten years gusto ko ikaw pa rin 'yong makakasama ko sa pagbisita rito. Gusto ko, 'yang suot mong kuwintas na may singsing ay nasa daliri mo na. Gusto ko ikaw na. Kaya lalaban ako. Ipaglalaban kita. "

Muli akong napayakap sa at napabulong nang napakahina. "You're being too dramatic. I'm just asking. " Kokontra ka pa sana pero kinurot ko na ang iyong tagiliran at muling nagsalita. "Thank you for choosing me everyday, kahit maraming pagpipilian. Huwag kang mag-alala, lalaban din ako. Kung maaari ay labanan natin ang tadhana. " Hinalikan mo ako sa aking noo sabay tango.

"Stop asking about it. Naiinis ako. "

"At bakit? I'm just asking, napakapikon mo talagang tao. " Napahalakhak ako habang pinagmamasdan ang pagmumukha mo. Nakasimagot ka na naman kasi naasar kita. Hindi na naman mapaghiwalay ang magkabila mong kilay.

"Okay, okay. I'm done."

"You're done teasing me, huh?"

Mabilis akong napatango, bago ka pa man sumimangot muli ay hinalikan na kita sa iyong pisngi na agad namang namula dahil sa kilig.

"Ikaw ha, kinikilig ka na naman. " Pang-aasar ko.

"Malamang, mahal kita. "

"I love you. I always do. "

Nagising akong may luhang pumapatak sa aking pisngi mula sa aking mga matang nakapikit kanina lamang. Nandirito ako sa aking kuwarto. Napanagimpan na naman kita.

Naging panaginip na lang ang ating mga alaala.

Akala ko totoo na.







PanaginipWhere stories live. Discover now