Si Honey Catacutan ay aminadong may lihim na pagtingin sa isang gwapong binata na si Alfonso. Ngunit wala itong lakas ng loob para ipagtapat ang kanyang tunay na nararamdaman. Pareho sila ng pinapasukang high school, magkaiba nga lang ng taon, first year si Honey at fourth-year naman si Alfonso. Lumipas ang isang taon, nawalan na talaga ng pagkakataon si Honey para umamin kay Alfonso. Dahil simula ng nakagraduate si Alfonso ay hindi nya na ito muling nakita pa. Nagdaan man ang panahon, hindi padin kumukupas ang nararamdaman ni Honey para kay Alfonso. Paano kaya kung bigla silang pagtagpuin ng tadhana, may lakas na kaya ng loob si Honey para aminin ang kanyang nararamdaman?