Buhay? Ako na siguro ang taong pinaka-malas na nabubuhay sa mundo. Lahat ng sakit at hirap, naranasan ko na. Kaya nga siguro minsan parang manhid na rin ako. Bato na ang puso ko. Ang ginto kong puso noon naging bato na ngayon. Pero bakit nga ba kapag may gusto ka, kailangan mo munang masaktan? Kapag may gusto ka, laging nauuna na ang iba. Kapag may gusto ka, kailangan mong magpa-ubaya? Kapag may gusto ka, kailangan maging talunan ka muna? Kapag may gusto ako.. bakit parang sing-taas ng bituin na ang hirap abutin? Bakit nga ba? Bakit.. ang hirap sagutin.